• August 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating kasagupa ni Pacman na si Broner kulong sa US

NAKAKULONG ngayon ang dating kasagupa ni Filipino boxing champ Manny Pacquiao na si dating four-division world boxing champion Adrien Broner matapos itong hatulan ng korte sa kasong contempt.

 

Ayon sa ulat, nabigo si Broner na bayaran ang mahigit $800,000 sa isang babae na kanyang sinaktan sa isang nightclub noong 2018.

 

Sinabi ni Judge Nancy Margaret Russo na hindi pinansin ni Broner ang ibinigay ng korte na deadlines at extensions sa pagbabayad sa biktima.

 

Sa kabila ng kanyang pagbalewala sa hatol ng korte, nakuha pa ni Broner na ipagyabang sa social media ang kanyang pera na nangangahulugan na kakayahan itong magbayad.

 

Hindi umano makakawala sa kulungan si Broner hanggang hindi nito naibibigay ang valid reason sa kakayahan nitong magbayad, ayon kay Russo.

 

Matatandaang huling lumaban ang 31-anyos na si Broner ng talunin ito ni Filipino boxer Manny Pacquiao noong 2019.

 

Hawak nito ang record na 33 panalo, apat na talo at isang draw na mayroong 24 knockouts.

Other News
  • P15B sa Philhealth naglaho parang bula – Keith

    Aaabot sa ₱15 billion ang ninakaw umano ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa ahensya gamit ang iba’t-ibang maanolmalyang paraan, ayon sa dating opisyal nito.   Ayon sa nagbitiw na anti-fraud legal officer Thorrsson Montes Keith, naniniwala siyang ito ang halaga na ninakaw ng mga umano’y mafia sa ahensya.   “Naniniwala po […]

  • Ang ama at ina ang kanyang superheroes: SARAH, ‘di nakalimutan batiin si Mommy DIVINE noong ‘Mother’s Day’

    SA Instagram post ni Popstar Royalty na si Sarah Geronimo noong Mother’s Day, ‘di nakalimutan ng mang-aawit na magbigay-pugay sa mga magulang, lalo na sa kanyang Mommy Divine.     Kasama ang dalawang larawan, may caption ito ng, “Superheroes ng buhay ko. I love you nanay at tatay ko.”     “Happy Mother’s day po […]

  • Nakipagbarilan, drug suspect todas sa Malabon buy bust

    Todas ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang suspek na si Erwin Arcega, 39 ng 41 Dr. Lascano St. Brgy. Tugatog na hindi na umabot ng buhay […]