• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Korea umatras na sa FIBA Asia Cup qualifiers dahil sa banta ng COVID-19

UMATRAS na ang Korea sa pagsali sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na gaganapin ngayong buwan sa Manama, Bahrain.

 

Ayon sa Korea Basketball Association (KBA) na dahil sa pangamba ng COVID-19 sa mundo ay kaya sila nagdesisyon na umatras na.

 

Nakatakda sanang makaharap nila ang Gilas Pilipinas sa Nobyembre 28 at ang koponan ng Indonesia sa darating na Nobyembre 30.

 

Pinangungunahan ni naturalized center Ricardo Ratliffe ang Korea na kilala na ngayon bilang si Ra Gun A.

 

Kasalukuyang nasa Group A ang koponan na mayroong dalawang panalo at wala pang talo ang koponan.

 

Dahil dito ay magkakaroon ng pagbabago ang mga schedule ng laro sa mga ka-grupo ng Korea.

Other News
  • SINING AT KULTURANG PILIPINO SA QUEZON CITY, BUHAY AT AKTIBO

    IDINAOS kamakailan sa lungsod Quezon ang isang tagisan ng galing sa balagtasan na may temang Diwang, Sagisag Kultura ng Filipinas sa pangunguna ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA), NCCA-Philippine Cultural Education Program katuwang ang QC Education Affairs Unit. Sa kanyang talumpati, hinikayat ni Mayor Joy Belmonte ang sama-samang pagbibigay-buhay at pagkilala sa […]

  • Hanga sa pagiging mabait at mahusay makisama: VICE GANDA, nanghinayang na ‘di na matutupad ang dream project kasama si JACLYN

    NAGTAPOS na sa ere ang noontime show na “Tahanang Pinakamasaya“ na for sure hindi naging masaya ang ending para sa mga host ng programa.   Mga old movies daw muna ang mga mapapanood sa timeslot na ilang dekada na ring hawak ng programang “Eat Bulaga” nina Tito, Vic at Joey. Dahil sa pagkakatsugi ng show […]

  • Sekyu sugatan sa pamamaril sa Malabon

    Malubhang nasugatan ang isang 27-anyos na security guard matapos barilin ng hindi kilalang suspek makaraang komprontahin nito ang biktima sa Malabon city.     Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso na tumagos sa katawan ang biktimang si Ronnie Fernandez, ng Blk 48, Lot 31 Phase 3 […]