• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA kakausapin ang LGUs ukol sa pagbabalik ng provincial buses’ sa EDSA

MAKIKIPAG-UGNAYAN ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa local government units (LGUs) hinggil sa pagpapalabas ng ordinansa na magre-regulate sa posibleng pagbabalik ng 4,000 provincial buses sa kahabaan ng EDSA.

 

Sinabi ni MMDA chairperson Benjamin Abalos Jr. na plano niyang makipagkita sa mga Alkalde ng Pasay, Caloocan, Makati, Mandaluyong, San Juan at Quezon City para tulungan ang mga ito na pangasiwaan ang provincial buses sakali’t maipagpatuloy na ng mga ito kanilang operasyon sa mga pangunahing lansangan.

 

“Kasi kung may ordinansa sila, number one baka pwedeng ‘wag nilang payagan or number two, lagyan ng window period—sige pumasok ka pero 12 a.m. hanggang 4 a.m ka lang—pwedeng ganon,” ayon kay Abalos.

 

Ani Abalos, binago ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga ruta ng mga bus para bigyang-daan ang bus carousel na may 85 bus stations sa Kalakhang Maynila kabilang na ang 37 sa kahabaan ng EDSA.

 

“Nung ginawa ito ng LTFRB, nagdemanda ‘yung isang bus company na, ‘Hindi mo pwedeng gawin sa amin ‘yan, pwede pa ring bumyahe sa EDSA.’ In short, nabigyan ng temporary restraining order (TRO) ng isang judge,” aniya pa rin.

 

Idnagdag pa ni Abalos na noong panahon na nagsimula pa lamang ang COVID-19 pandemic, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay nagpalabas ng resolusyon para gamitin ng mga terminal para sa pagsunod sa health protocols.

 

Sa oras naman aniya na mabawi ang resolusyon, ang nasabing TRO ay maaari nang ipatupad, papayagan na ang pagbabalik ng 4,000 provincial buses sa EDSA.

 

“Hindi covered ng TRO ‘yon dahil IATF ‘yon eh. Ang problema, ito ngayon sa IATF, parang tatanggalin na itong patakaran na ito dahil mababa na ang kaso, hindi na kailangan ng alert level,” ayon kay Abalos.

 

“Currently, passengers coming from the south have to alight at the Paranaque Integrated Terminal Exchange (PTEX), while those from the north have to go down at the Valenzuela Gateway Complex  Integrated Terminal (VGCIT). From there, they have to take another bus passing through the EDSA carousel stations,” ayon kay Abalos sabay sabing “Ngayon, feeling ko mas trabaho tayo para of course i-convince ang mga mayors na magkaron sila ng ordinansa dahil ‘yon, hindi na saklaw ng TRO. It’s the only legal way at a lawyer na nakikita ko talaga at napagusapan namin.” (Daris Jose)

Other News
  • Gilas Pilipinas bigo kontra Lebanon, 85-81; 27-pts ni Clarkson nasayang

    NABIGO ang Gilas Pilipinas kontra sa Lebanon, 85-81 sa kanilang paghaharap sa 4th window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers kaninang madaling araw.     Sa unang quarter ay hawak pa ng Gilas ang kalamangan hanggang sa mahabol ito ng powerhouse team na Lebanon sa laro na ginanap sa Nouhad Nawfal Sports Complex.     […]

  • Ugnayan ng Pinas-Brunei, susi sa mapayapa, matatag na Indo-Pacific – PBBM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang panatilihing malakas ang bilateral relations ng Pilipinas sa Brunei Darussalam ay makatutulong na mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific region.     Winika ng Pangulo na ang kanyang unang state visit sa Sultanate ay mahalaga sa gitna ng “many global challenges for which Brunei and […]

  • SHARON, isiniwalat na si PARK HYUNG SIK ang bagong kinahuhumalingan na Korean actor

    HINDI na naman nakapagpigil si Megastar Sharon Cuneta na patulan ang isang basher na nag-comment sa IG post niya humihingi ng tulong at suhestyon sa ating mga kakabayan.          Sabi ng basher, “Share mo na lang kaya ang blessings mo sa mga apektado yung walang camera ha…”     Kaya naman hindi ito […]