• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang mambabatas nagbigay ng 1 buwang sahod para sa nasalanta ni #RollyPH

ISANG buwan sahod ang ibibigay ng ilang mambabatas bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Quinta at Rolly.

 

Sinabi ng tanggapan ni Houe Speaker Lord Allan Velasco na isang fund drive ang gagawin ng Kamara para sa mga biktima ng bagyo at pangunahin na rito ang donasyon na manggagaling mula mismo sa mga mambabatas.

 

Noong Lunes sinimulan ang fund drive at ngayon ay P7 milyon na ang nalikom.

 

Ayon kay House Secretary General Jocelia Bighani Sipin, maliban sa cash donations ay umapela din ng tulong sa mga non perishable items si Velasco gaya ng mga toiletries, damit, tsinelas na dadalhin sa Bicol Region.

 

“We are setting up donation boxes and all departments in Congress are encouraged to drop what they can to help the typhoon victims. Donations may also be coursed through the Office of the Secretary General throughout the donation drive from November 4 to 13,pahayag ni Sipin.

 

Nasa 17 katao ang naitalang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Rolly habang 130,634 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Other News
  • Pakikiramay bumuhos sa pagpanaw ni hall of famer boxer Curtis Cokes, 82

    Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ni Hall of Famer at dating welterweight champion Curtis Cokes sa edad 82.   Ayon sa kaniyang anak, hindi na nito nakayanan ang kaniyang heart failures.   Mula sa kapwa boksingero hanggang sa mga boxing fans ay nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa mga kaanak ni cokes.   Ipinanganak noong Hunyo […]

  • Banggaan nina Beauty at Max, tiyak na tututukan: Sen. BONG, muling bubuhayin ang iconic role niya na ‘Tolome’

    ANG hit and classic film na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ay nakakakuha na ng spinoff sa small screen sa pamamagitan ng GMA Network. Mula sa pagiging isang iconic film hanggang sa isang action-comedy series, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ay pagbibidahan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., […]

  • Mahigit 200 kaso ng monke mundo – EU disease agency

    UMAABOT na sa kabuuang 219 ang kumpirmadong kaso ng monkeypox virus sa buong mundo ayon sa inilabas na update report mula sa European Union disease agency.     Mahigit sa isang dosenang mga bansa na nakapagtala ng monkeypox ay sa Europa na walang direktang epidemiological links sa West o Central Africa kung saan ang disease […]