Tulong ng UN, asahan para sa mga biktima ng bagyong Odette
- Published on December 23, 2021
- by @peoplesbalita
SINIGURO ng isang opisyal ng United Nations (UN) na isinasagawa na ang “coordinated response” mula sa organisasyon at katuwang nito para tulungan ang mga nangangailangan sa katatapos lamang na paghagupit ng bagyong Odette.
“The reports and images of utter devastation they are sending back are heartbreaking and our deepest sympathies go out to those who lost so much, including loved ones,” ayon kay niUN Resident and Humanitarian Coordinator in the Philippines Gustavo Gonzalez.
Aniya, ang UN agencies, non-government organizations (NGO), katuwang sa pribadong sektor ay gumagawa na ng hakbang para makapagbigay ng pabahay, maayos na kalusugan, pagkain, proteksyon at iba pang “life-saving responses” sa mga apektado.
“We are coordinating with the Government authorities to ensure we provide timely support and are fully mobilized in addressing critical gaps and the needs of the most vulnerable,” ayon kay Gonzalez.
Pinuri naman nito ang propesyonalismo ng mga front-line responders sa pangunguna ng Philippine government officials, Philippine Red Cross, at iba pa sa evacuation, search, and rescue efforts “in very difficult circumstances and logistics.”
“On behalf of the UN and the Humanitarian Country Team, our message to the people of the Philippines is one of solidarity and support,” ani Gonzalez.
Nauna rito, sinabi ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na ang pinsalang dulot ng bagyong Odette sa bansa ay napakalaki base sa inisyal na report.
Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay dineploy na para magdala ng tulong sa mga apektadong lugar. (Daris Jose)
-
‘RFID installation, mananatili sa kabila ng Nov. 30 deadline
Walang dapat ipangamba ang mga motorista na hindi pa rin nakakapagpakabit ng radio frequency identification (RFID) sticker. Ayon kay Atty. Romulo Quimbo, ang chief communications officer ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), nilinaw nito na mananatili pa rin ang sistema ng RFID installation. Nabatid na hanggang November 30, ang pinalawig na deadline ng […]
-
34M SIM, naka-rehistro na sa telcos-DICT
TINATAYANG umabot na sa 34 milyong SIM sa buong bansa ang nakarehistro na ngayon sa kani-kanilang public telecommunications entities (PTEs). Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT), Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo, may kabuuang 34,483,563 SIM na ang nakarehistro “as of February 19”, sinasabing 20% lamang ito ng 168,977,773 SIM sa […]
-
Ayos may liga na ang mga eba
SIGURADONG malaki ang maitutulong ng Women’s National Basketball League (WNBL) para umangat sport na ito sa bansa. Binindisyunan na ng Games and Amusement Board (GAB) ang WNBL pati ang National Basketball League (NBL) para maging mga propesyonal na mga liga na rin gaya ng Philippine Basketball Association (PBA). “Basically the reason why we […]