• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NDRRMC todo paghahanda na rin vs ‘Siony’: Mining, tourism, quarrying activities tigil muna

NAGHAHANDA na ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa bagyong Siony sa kabila ng nagpapatuloy na disaster response sa bagyong Rolly.

 

Una nang pinulong ng Council ang mga regional DRRMCs para talakayin ang on-going preparation sa severe tropical storm Siony.

 

Kabilang sa tinalakay sa pulong ay ang pagpapatupad ng pre-emptive evacuation sa mga lugar na highly susceptible sa storm surge, floods at landslides; dissemination of warnings sa mga lugar na maaapektuhan; prepositioning of food, non-food items at mga gamot sa ibat ibang strategic locations, activation ng medical teams mula sa DOH para sa posibleng deployment.

 

Naglabas din ang NDRRMC ng direktiba sa mga RDRRMC mem- ber agencies at LDRRMCs para itigil muna ang mining activities, tourism activities, at quarrying.

 

Iniulat naman ng Cordillera RDRRMC, na nagsagawa na sila ng pre-emptive evacuation sa mga flood and landslide prone areas sa probinsiya ng Apayao, Kalinga at Benguet.

 

Samantala, nagpulong na rin ang NDRRMC na pinangunahan ni DSWD Asec Encabo.

 

Dumalo rito ang UN Humanitarian Country Team kung saan pinag-usapan ang paghahanda sa pagsasagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) mission sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng supertyphoon Rolly.

Other News
  • KRIS, grateful na nagkabati at pinatawad siya ni NOYNOY bago ito pumanaw; DINGDONG, nag-post ng pasasalamat sa dating Pangulo

    NAG-POST sa kanyang IG account ng pasasalamat si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa nakagugulat na pagpanaw ng dating Pangulo na si Benigno ‘Noynoy’ Aquino III noong Huwebes ng umaga, Hunyo 24.     Ayon kay Dingdong na naging malapit kay PNoy, “President Noy was a champion of youth development. He headed the Philippine Delegation […]

  • Ang laki ng pasasalamat sa ‘First Yaya’ at ‘First Lady’: SANYA, nagkaroon ng pambayad sa bahay at nakabili rin ng lupa

    STARTING tonight, July 29, muling panoorin ang modern fairytale nina President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) and Nanny Melody Reyes (Sanya Lopez), ang top-rating romantic comedy series na “The First Nanny” sa Netflix Philippines, produced by GMA Entertainment Group.     Nagbahagi naman si Sanya nang ma-interview siya tungkol sa pagpapalabas ng “The First Nanny” sa […]

  • Ito ang kauna-unahan niya kaya panay ang training: PIA, naghahanda sa pagsali sa New York City marathon

    NAGHAHANDA na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pagsali niya sa New York City marathon.     Ito raw ang kauna-unahang marathon na sasalihan niya kaya panay ang training niya.     “It’s only 3 months before race day and these were my thoughts before I started training and got serious about running cos […]