• April 2, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

POC idineklarang ‘persona-non-grata’ si PATAFA pres. Juico

Idineklara ng Philippine Olympic Committee (POC) bilang persona non grata si Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) chief Philip Ella Juico matapos ang naganap na alitan nito kay pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena.

 

 

Ayon kay POC president Abraham Tolentino, na kanilang inaprubahan ang naging rekomendasyon ng Ethics Committee na nagdedeklarang persona non-grata si Juico sa isinagawa nilang POC Executive Board meeting sa lungsod ng Pasay.

 

 

Dahil dito ay hindi na kinikilala ng POC si Juico bilang pangulo ng PATAFA.

 

 

Paglilinaw nito na kanila pa ring kinikilala ang asosasyon ng PATAFA.

 

 

Base kasi sa imbestigasyon ng Ethics Committee na malinaw na ‘hinarassed” ni Juico si Obiena sa pamamagitan ng pagsasa-publiko ng kaniyang alegasyon.

 

 

Nagkasundo ang 11 sa 15 miyembro ng POC Executive Board na aprubahan ang committee recomendations na ito ay kanilang ira-ratify sa General Assembly sa pagpupulong nila sa Enero.

 

 

Tiniyak ni Tolentino na magrerepresent pa rin ang 26-anyos na si Obiena sa mga torneo na gaganapin sa ibang bansa kabilang ang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi sa Mayo at 19th Asian Games sa Huangzhou sa Setyembre.

 

 

Magugunitang inakusahan ni Juico si Obiena na pineke umano nito ang liquidation para sa pagpapasahod sa coach nito at ipinapabalik sa kaniya ang nasa P4-milyon na budget.

Other News
  • DOH: Pareho ang protocol ng mga ospital para sa confirmed, probable/suspect COVID-19 cases

    NILINAW ng Department of Health (DOH) na pareho lang ang protocol na ipinatutupad sa mga probable at suspected COVID-19 cases, tulad ng ginagawa sa mga confirmed o positibong kaso ng sakit.   Pahayag ito ng kagawaran sa gitna ng mga ulat na may ilang pamilya raw ang kumwestyon sa responde ng mga doktor sa kanilang […]

  • Nagulat at ‘di makapaniwala sa naganap sa concert: STELL, napabilib si DAVID FOSTER sa pagbirit ng ‘All By Myself’

    NAPABILIB nang labis ng sikat na P-pop SB19 member na si Stell Ajero ang famous global producer-songwriter na si David Foster.         Sa “Hitman: David Foster and Friends Asia Tour 2024” sa Smart Araneta Coliseum nitong June 18, naging special guest si Stell, na kung saan siya ang opening act.     […]

  • PBBM, oks sa panukalang lumikha ng body para tugunan ang jobs mismatch

    WELCOME  kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang lumikha ng private sector-led coordinating partnership para tugunan ang “jobs at skills mismatch” sa bansa.     Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang  Private Sector Jobs and Skills Corp. ay panukala ng  Private Sector Advisory Council-Job sector Group, kung saan nakapulong ni Pangulong Marcos, araw […]