• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TerraFirma Dyip taob sa Magnolia; bokya pa rin sa PBA bubble

PINADAPA ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok ang TerraFirma Dyip, 103-89, sa kanilang banggaan sa PBA Philippine Cup na ginaganap sa bubble sa Angeles University Gym sa Angeles, Pampanga.

 

Tila bumangga sa pader ang Dyip sa pagharap sa Magnolia dahil tambak ang inabot nito at hindi nakayanan ang lakas ng opensa at depensa ng Hotshots.

 

Nanguna sa panalo ng Hotshot sina Paul Lee na kumamada ng 29 points sa at Romy Dela Rosa na may 17 puntos habang umambag din sa Ian Sanggalan ng 16 points.

 

Kinapos naman ang pagnanais ni CJ Perez na makuha ang unang panalo ng kulelat na Dyip matapos itong kumana ng 19 points para sa koponan.

 

May apat pang natitirang laro ang Dyip at umaasa ang koponan na makukuha nila ang kanilang unang panalo sa bubble.

 

Sunod na haharapin ng Dyip ang Blackwater Elite bukas (Biyernes) habang ang Magnolia ay haharap kontra sa Northport sa Linggo.

Other News
  • 214 Bulakenyong naghahanap ng trabaho, hired on the spot sa TNK Fiesta Caravan

    LUNGSOD NG MALOLOS- Dalawang daan at labing-apat na Bulakenyo ang pumunta na naghahanap ng trabaho at umuwi na may sigurong hanapbuhay sa kanilang pagkaka-hired on the spot sa ginanap na Trabaho Negosyo Kabuhayan (TNK) Fiesta Caravan Job and Business Fair Local and Overseas Employment na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito noong […]

  • Ikatlong Navotas Commnuity Isolation Facility, binuksan

    BINUKSAN na nang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pangatlong community isolation facility (CIF) na tuluyan ng mga residenteng may hinihinalang confirmed Coronavirus Disease 2019.   Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco ang pagpapasinaya, kasama si COVID-19 testing czar Sec. Vince Dizon; DPWH Usec. Roberto Bernardo; MMDA gen- eral manager Jojo Garcia; at DOH- NCR Regional […]

  • 5 todas sa sunog sa Navotas

    LIMA katao, kabilang ang mag-ina at tatlong estudyanteng babae na mga menor-de-edad ang nasawi sa naganap na halos isang na sunog na tumupok sa isang bahay sa Navotas City, Sabado ng umaga.       Kinilala ang mga biktima na sina Sarah Constantino, 41, kanyang anak na si Xylem Lorraine Constantino, 17, senior high, pinsan […]