• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Pagsalubong ng New Year sa mga residente ng Xi’an, China mas masahol pa sa simula ng COVID sa Wuhan’

Mas masahol pa umano ang taong 2022 para sa mga residente ng northwestern city ng Xi’an, ang pagsalubong ng bagong taon kumpara sa taong nagsimula ang COVID-19 sa kanilang bansa.

 

 

Mula noong Disyembre, ang ancient city na kilala bilang tahanan ng Terracotta warriors ay nakikipaglaban na sa pinakamalaking community coronavirus outbreak sa China mula noong Wuhan, ang orihinal na sentro ng pandemya.

 

 

Sa ngayon, mahigit 1,600 na kaso na ang naiulat sa lungsod.

 

 

Habang ang bilang ay mahina kumpara sa mga nasa maraming iba pang mga bansa, ang pagsiklab ay nagtulak naman sa caseload ng China sa huling linggo ng 2021 sa pinakamataas na antas mula noong Marso 2020.

 

 

Sa loob ng 12 araw and counting, ang 13 milyong residente ng Xi’an ay nakakulong sa kanilang mga tahanan.

 

 

Ang lungsod, na dating isang tourist hotspot, sinalubong ang bagong taon sa mga mala-disyerto na kalye, mga saradong tindahan, selyadong mga residential compound at isang walang laman na paliparan.

 

 

Ang ipinapatupad na lockdown ang pinakamahigpit at pinakamalaki mula noong Wuhan, kung saan naka-lockdown ang 11 milyong katao noong unang bahagi ng 2020.

 

 

Ngunit ito rin ay kabilang sa mga pinaka-magulo, na nag-iiwan sa mga residente ng kakulangan ng pagkain at iba pang mahahalagang suplay at nakaapekto sa pag-access sa mga medical service.

 

 

Sa loob ng halos dalawang taon, ang mahigpit na hakbang na ito na naprotektahan ang karamihan ng bansa mula sa pinakamasamang aspeto ng pandemya, ay nakakuha naman ng napakalaking suporta mula aq publiko.

 

 

Ngunit habang patuloy ang pagsiklab alng mga lokal na epidemya, ang tanong ng mga residente ng Xi’an ay kung gaano katagal ang zero-Covid bago magsimulang bumaba ang suporta ng publiko, na may milyun-milyong residente na nakakulong sa isang tila walang katapusang cycle ng mga lockdown.

 

 

Sa ngayon, determinado pa rin ang China na makamit ang kanilang layunin na zero-Covid kahit magtulak pa ito ng pagkaubos ng pasensya ng mamamayan.

Other News
  • Pacquiao-Crawford fight pang-drumbeat sa FIFA World Cup

    Sakaling maikasa ang laban, planong dalhin ang mega fight sa pagitan nina Manny Pacquiao at Te­rence Crawford sa Doha, Qatar bilang bahagi ng drumbeating para sa 2022 FIFA World Cup.   Ayon kay Top Rank Promotions chief Bob Arum, nakikipag-ugnayan na ito sa ilang matataas na opisyales ng Qatar upang maikasa ang Pacquiao-Crawford fight.   […]

  • ‘Kailanman hindi bibitawan ng Rockets sa trade si Harden’

    HINDI umano kailanman bibitawan ng Houston Rockets ang kanilang superstar na si James Harden pagsapit ng trade season sa NBA.   Ginawa umano ng ilang opisyal ng Rockets ang pahayag matapos na lumutang ang isyu na interesado raw ang Philadel- phia kay Harden kapalit ni Ben Simmons.   Napikon pa umano ang naturang opisyal ng […]

  • Delivery ng 50K doses ng Sputnik V madi-delay

    Madi-delay ang pag­da­ting sa bansa ng 50,000 doses ng SputnikV na gawa sa Russia, ayon kay National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.     Ayon kay Galvez, na­ka­tanggap ang NTF Vaccine Cluster ng isang sulat mula sa Russian Direct Investment Fund (RDIF) noong Hunyo 20 na […]