• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MVP nag-donate ng vaccine para sa national athletes

Nagbigay ang MVP Sports Foundation (MVPSF) ni businessman at sports patron Manny V. Pangilinan ng 500 booster shots ng Moderna anti-COVID-19 vaccine para sa mga miyembro ng Team Philippines na sasalang sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.

 

 

Ito ay para sa proteksyon ng mga national athletes laban sa COVID-19 bago sila sumabak sa 39 sa kabuuang 40 sports sa nasabing biennial event.

 

 

“It’s absolutely a big help,” sabi kahapon ni Phi­lippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino sa tulong ni Pangilinan.

 

 

Ipagtatanggol ng Team Philippines ang overall crown na nakamit noong 2019 sa kanilang paglahok sa Vietnam SEA Games na nakatakda sa Mayo 12 hanggang 23.

 

 

Ayon kay MVPSF president Al Panlilio, ang nasabing booster shots ay bahagi ng kanilang commitment sa POC kung saan siya nagsisilbing First Vice President.

 

 

Si Panlilio, pangulo rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), ang namumuno sa vaccination program ng POC.

 

 

Ang nasabing booster shots ay para na rin sa partisipasyon ng Team Philippines sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre 10-25.

Other News
  • Duque tiniyak kay Pangulong Duterte, maipamamahagi ang SRA at kompensasyon sa mga health workers sa Agosto 31

    TINIYAK ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maipamamahagi na ang special risk allowance at kompensasyon para sa mga health workers sa darating na Agosto 31.   Noong nakaraang linggo kasi ay binigyan ni Pangulong Duterte ng 10 araw na palugit ang Department of Health (DOH) at Department of Budget […]

  • ‘Di pa rin tinatantanan ng mga bashers: AGOT, sinabihan na alisin na ang galit sa puso

    HANGGANG ngayon, hindi pa rin pala tinatantanan ng mga bashers niya ang singer/actress na si Agot Isidro.       Pero tama si Agot, since siya kasi, living her life at very happy rin ito sa kanyang farm life tuwing wala siyang shooting o taping.     Ipinost tuloy ni Agot ang picture na obviously, kuha […]

  • Pinoy athletes hahataw naman sa Tokyo Paralympics

    Matapos ang Tokyo Olympics, tututok naman ang Pilipinas sa kampanya ng differently-abled athletes sa prestihiyosong Tokyo Paralympics na tatakbo mula Agosto 24 hanggang Setyembre 5.     Ipadadala ng Pilipinas ang anim na atleta na sasabak sa apat na events.     Mangunguna sa ratsada ng Team Philippines si Asian Para Games multiple gold medalist […]