PDu30, nilagdaan ang batas na makapagbubukas pa sa retail sector ng Pinas sa mga foreign investors
- Published on January 10, 2022
- by @peoplesbalita
MAS pinadali na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga dayuhan na makapag- invest sa retail sector ng Pilipinas.
Ito’y matapos pirmahan ni Pangulong Duterte ang batas na Republic Act (RA) No.11595, na inamiyendahan ang RA No. 8762 o ang Retail Trade Liberalization Act na may dalawang dekadang taon na.
Ang buong titulo ng bagong batas ay nagsasaad na “An act amending Republic Act No. 8762, otherwise known as the ‘Retail Trade Liberalization Act of 2000’, by lowering the required paid-up capital for foreign retail enterprises, and for other purposes.”
Nilagdaan ito ng Chief Executive noong Disyembre 10.
Sa ilalim ng RA No.11595, ang minimum paid-up capital para sa foreign retail investors ay ibinaba sa P25 million.
Base sa nakalipas na bersyon ng batas, “foreigners can set up wholly-owned enterprises with a minimum paid-up capital of $2.5 million or some P127 million, subject to certain requirements.”
Ang legal revision na ito ay naging panawagan ng local business group. Binanggit ng Pangulo, bilang priority measure sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 2021.
Inaasahan naman ng mga tagapagtaguyod ng batas, na mapapalakas ng bansa ang foreign direct investments o FDI sa pamamagitan ng mas binuksang local retail sector.
Ayon sa four-page statute, irerebisang mabuti ng Department of Trade and Industry (DTI), Securities and Exchange Commission (SEC), at National Economic and Development Authority (NEDA) ang required minimum paid-up capital kada tatlong taon.
“It provides for a “minimum investment per store’” that “will include the value of the gross assets, tangible or intangible, including but not limited to buildings, leaseholds, furniture, equipment, inventory, and common use facilities,” ayon sa ulat.
“In the case of foreign retailers engaged in retail trade through more than one physical store, the minimum investment per store must be at least P10 million,” dagdag nito. (Daris Jose)
-
COVID-19 cases tataas pa – DOH
Mismong Department of Health (DOH) na ang nagsabi na inaasahan na rin nilang tataas pa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa patuloy na pagpapaluwag ng pamahalaan sa ilang panuntunan matapos ang higit dalawang lockdown. Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi naman ibig sabihin nito na dapat mabahala ang publiko. […]
-
Zero casualty target sa COVID-19 vaccine
Target ng gobyerno ang zero casualty sa oras na mag-umpisa ang pagbabakuna kontra COVID-19. Tiniyak din ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na mas mag-iingat ang Pilipinas sa pagpili ng bakuna na gagamitin para sa mga senior citizens matapos na 23 matatanda sa Norway ang nasawi nang mabakunahan ng Pfizer dahil sa adverse reactions. “Ang […]
-
Museum na makikita ang Leni-Kiko campaign memorabilia binuksan sa publiko
PINANGUNAHAN ni dating Vice President at tumatayong Angat Buhay Chairperson Atty. Leni Robredo ang pagbububukas ng Museo ng Pag-Asa sa Quezon City. Nakapaloob sa museum ang mga memorabilia sa kanyang 2022 campaign kasama ang running-mate na si dating senator Kiko Pangilinan. Makikita rin sa loob ng museum, ang Angat Buhay office, […]