• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbabalik ng Governor’s Cup inaayos na ng PBA

PINAPLANO na ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) kung paano nito itutuloy ang naudlot na PBA Season 46 Governors’ Cup.

 

 

Tengga muna ang liga dahil patuloy na lumolobo ang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

 

 

Kaya naman habang naghihintay, nag-iisip na ng iba’t ibang paraan ang PBA para sa pagbabalik-aksiyon ng season.

 

 

Binabantayan ng PBA ang sitwasyon kung saan posibleng sa Pebrero pa maituloy ang liga base sa kasalukuyang estado ng bansa.

 

 

Pumalo na sa mahigit 20,000 ang kaso ng mga  tinatamaan ng COVID-19 kada araw.

 

 

At walang balak ang PBA na sumugal para lamang matuloy ang liga.

 

 

“Priority natin ang kaligtasan ng lahat,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

 

 

Ilan sa mga posibleng  maging hakbang ng liga  ay ang paglipat ng mga laro sa lugar kung saan mababa ang kaso ng COVID-19 at nasa mababang alert level.

Other News
  • Ads July 29, 2022

  • 33 pasaway na mga tsuper huli dahil sa pag labag sa IATF sa Kyusi

    HULI ang may 33 mga tsuper ng bus dahil sa pag labag sa Inter Agency Task Force on Emerging Diseases o IATF. Sa isinagawan inspeksyon ang Inter- Agency Council for Traffic (IACT), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa mga Public Utility Bus […]

  • Biyahe ng trains sa MRT 3 mababawasan dahil sa COVID-19

    Simula noong  Linggo, July 5  ay mababawasan ang biyahe ng Metro Rail Transit  Line 3 (MRT3)  matapos na mag- positibo ang may 127 na workers ng depot.   Mula sa dating average na 16 hanggang 19 trains na tumatakbo, ito ay magiging 12 trains na lamang dahil ang mga workers ay mababawasan dahil sila ay […]