• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamahalaan, target na gawing fully vaccinated ang 90 milyong Pinoy —Galvez

PLANO ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 90 milyong Filipino laban sa COVID-19 sa kabila ng mga hadlang na mapabiis ang pagbabakuna.

 

 

“Ang atin pong main objective ay mabakunahan ang 90 million na Filipino, sa bilang po na ito mayroon po tayong babakunahan na primary series sa 28 to 30 million na katao,” ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.

 

 

Sa kasalukuyan, pumalo na sa 52 milyong Filipino ang nabakunahan sa Pilipinas.

 

 

Aniya, kailangan na bumili ng gobyerno ng 70 milyong doses para sa boosters at 26 milyong doses naman ng bakuna para sa mga kabataan na may edad na 5 hanggang 11 taong gulang.

 

 

“The Philippines currently has 100 million doses stockpiled,” ani Galvez.

 

 

Gayunman, nagbabala si Galvez na ang mataas na kaso ay makaaapekto sa kanilang vaccination efforts.

 

 

“Biglang pagtaas ng kaso at infection, ay malaking balakid sa ating vaccination dahil focus ng health care workers at LGU at healthcare personnel ay pondohan ang ospital at karamihan din po sa kanila ay nasa quarantine,” ani Galvez.

 

 

Samantala, sinabi naman ni NTF adviser Dr. Ted Herbosa na bumagal ang pagbabakuna dahil may ilan sa mga health workers sa vaccination centers ang pinabalik sa mga ospital sa gitna ng surge sa COVID-19 cases, habang ang iba naman ay tinamaan ng virus. (Daris Jose)

Other News
  • Pacquiao kontra Garcia konting kendeng na lang

    LUMALAKAS ang alingawngaw para sa napipintong banatan nina eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel Pacquiao at World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia ng Estados Unidos sa taong ito.     Mismong ang ama na si Henry Garcia ang atat na sagupain ng 22 taong-gulang, 5-10 ang taas at tubong California niyang […]

  • Business tycoon na si Enrique Razon, nagboluntaryong magpagamit ng sariling barko at eroplano

    IBINALITA ng Malakanyang sa publiko na nagbigay na ng kanyang commitment para makatulong sa pamahalaan ang business tycoon na si Enrique Razon. Ito ang ipinarating na ulat ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa harap ng nakagiya ng pagkuha ng gobyerno ng bakuna kontra sa COVID 19. Batay sa ipinresentang […]

  • World Bank: 150-M katao, mas maghihirap sa katapusan ng 2021 dahil sa pandemya

    NAGBABALA ang World Bank na lalong mababaon sa kahirapan ang nasa 150-milyong katao pagsapit ng katapusan ng 2021 dahil sa coronavirus pandemic.   Base sa inilabas na biennial report on poverty and shared pros- perity ni World Bank President David Malpass, may karagdagang 88-milyon hanggang 115-milyon na mas maghihirap na mamuhay sa halagang $1.90 kada […]