• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

World Bank: 150-M katao, mas maghihirap sa katapusan ng 2021 dahil sa pandemya

NAGBABALA ang World Bank na lalong mababaon sa kahirapan ang nasa 150-milyong katao pagsapit ng katapusan ng 2021 dahil sa coronavirus pandemic.

 

Base sa inilabas na biennial report on poverty and shared pros- perity ni World Bank President David Malpass, may karagdagang 88-milyon hanggang 115-milyon na mas maghihirap na mamuhay sa halagang $1.90 kada araw ngayong 2020.

 

Posibleng umabot pa ito sa 111-milyon hanggang 150-milyon sa katapusan ng susunod na taon.

 

Ibig sabihin, mamumuhay sa matinding kahirapan ang 9.1% hanggang 9.4% ng populasyon sa buong mundo.

 

Ito ay maihahambing sa 9.2% noong 2017 at kumakatawan sa kauna- unahang pagtaas sa extreme poverty percentage sa loob ng 20 taon.

 

Tinatayang pumalo sa 8.4% ang extreme poverty rate noong nakalipas na taon at inaasahang sasadsad sa 7.5% sa 2021 bago ang coronavirus pandemic.

 

Sinabi ni Malpass, posibleng mahigit sa 1.4% ng populasyon sa buong mundo ang lalong maghihirap bunsod ng pandemya at global recession, na maituturing na kabiguan sa develpment progress at poverty reduction.

 

Nakasaad din sa report na ang bagong “extreme poor” ay nasa mga bansang may mataas nang poverty rates pero 82% sa mga ito ay nasa middle-income countries kung saan ang poverty line ay ang kumikita ng $3.20 bawat araw para sa low-middle-income countries at $5.50 bawat araw para sa upper-middle-income countries.

 

Bagama’t nakatuon ang matinding kahirapan sa rural areas sa mga nagdaan, nadiskubre sa ulat ng World Bank na tumaas ang bilang ng mga naninirahan sa mga siyudad na naghihirap bunsod ng kawalan ng hanapbuhay na dulot ng COVID-19 lockdowns at reduced demand.

 

Ayon kay Malpass, kailangang payagan ng mga bansa ang capital, labor, skills at innovation para makapagbukas ng bagong negosyo at makakilos ang iba’t ibang sektor para maiangat muli ang ekonomiya matapos ang COVID-19.

 

“In order to reverse this serious setback to development progress and poverty reduction, countries will need to prepare for a different economy post-Covid, by allowing capital, labour, skills, and inno- vation to move into new businesses and sectors,” ani Malpass.

Other News
  • Manibela naghain ng kasong graft laban sa mga opisyales ng DOTr

    NAGHAIN ng isang kasong graft ang grupo sa transportasyon na Manibela laban sa mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Office of the Solicitor General (OSG) dahil sa pagsusulong ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.     Sa isang limang (5) pahina na complaint na inihain ng Manibela sa Office of […]

  • Travel ban sa 7 bansa pinalawig – BI

    Muling ipatutupad ng Bureau of Immigration (BI) ang ekstensyon sa travel ban sa pitong bansa upang maiwasang makapasok ang Indian variant ng COVID-19 hanggang sa Hunyo 30.     Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ito ay bilang pagsunod sa utos galing sa Malacañang na huwag pa ring papasukin ang mga biyahero mula sa […]

  • Tanggap na maraming nag-unfollow dahil sa pananaw sa politika: JANNO, sinabihan ang netizens na hayaang maging bitter at magluksa sa pagkatalo

    TANGGAP ni Janno Gibbs na maraming followers ang nag-unfollow dahil sa kanyang personal na pananaw sa politika.     Post pa ng singer/comedian “Let us grieve.”     At dagdag pa ng aktor, “Sabi nyo “Wag nang bitter.” Tanggapin nlang na Talo na. Move on na. Nung matalo si BBM as VP. Nagmove on ba? […]