MRT 3 and PNR nagbibigay ng libreng antigen test
- Published on January 12, 2022
- by @peoplesbalita
Ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Philippine National Railways (PNR) ay nagbibigay ng libreng antigen testing sa mga pasaherong gustong sumailalim sa nasabing testing.
Ayon sa MRT 3, ang mga tauhan nito ang siyang magbibigay ng antigen testing sa mga pasahero na nagsimula kahapon hanggang Jan. 14, Jan. 12-21, at Jan. 24, 28 at 31.
Ang mga testing sites ay sa mga estasyon ng North Avenue, Cubao Shaw Boulevard, at Taft Avenue sa Pasay.
Hanggang 24 na pasahero kada estasyon ang puwedeng sumailalim sa antigen testing para sa COVID-19 sa peak hours, simula 7:00 hanggang 9:00 ng umga at mula 5:00 hanggang 7:00 ng gabi.
“Commuters volunteering to be tested need to sign consent and contract tracing forms. Those who will be negative for the virus will get free train rides. Passengers who will yield positive COVID test results will not be allowed to board the train and should coordinate with their local government units for isolation and confirmatory RT-PCR test,” saad ng pamunuan ng MRT 3.
Sinumulan rin ng PNR kahapon ang pagbibigay ng antigen testing sa kanilang mga pasahero.
Inaasahan ng pamunuan ng PNR na makapagbibigay sila ng 288 na antigen test sa mga pasahero kada araw. Ang mga pasahero ay tatanungin muna kung gusto nilang sumailalim sa antigen testing sa mga estasyon ng Tutuban, Dela Rosa, Bicutan at Alabang.
Samantala, may pitong (7) pasahero ang nag positibo sa ginawang antigen testing sa may 42 na katao. Ang mga nag positibo ay maaari pa rin makasakay subalit sila ay isasakay sa hiwalay na bagon.
Ang mga nagpositibo ay kinailangan din sumailalim sa confirmatory test sa kanilang mga barangays o di kaya ay sa mga local government units (LGUs).
Sinabi rin ni PNR assistant general manager Ces Lauta na sila ay nahihirapan na kumbinsihin ang mga pasahero na sumailalim sa antigen test kahit na ito ay walang bayad at libre lamang.
Mayron naman na 262 na empleyado ng PNR ang nagpositibo sa ginawang antigen testing simula pa noong nakaraang December. Sumailalim din sila sa confirmatory swab tests.
Kasabay nito, ang PNR naman ay hinihintay na lamang ang guidelines mula sa Department of Transportation (DOTr) para sa mahigpit na pagpapatupad ng “no vaccine, no ride” polisia sa mga hindi pa nababakunahan. LASACMAR
-
OBRERO TIMBOG SA P23-K SHABU
NATIMBOG ang isang obrero na sangkot umano sa pagtutulak ng illegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis sa buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Mark Del Mondo alyas Tolo, 34, ng Tulay 1, Brgy. Daanghari. […]
-
Pangulong Marcos inalala yumaong ama
NAGBIGAY ng madamdaming mensahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-35 anibersaryo ng kamatayan ng yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Sa facebook post ng Pangulo, umaasa siya na proud sa kanya ang ama ngayon. “My father lived in service to our country. He advocated for development, justice, […]
-
FAJARDO, 7 PA OUT SA PBA PH CUP
WALA nang atrasan pa ang 45 th Philippine Basketball Association o PBA Philippine Cup 2020 eliminations restart sa Linggo Oktubre 11 sa Angeles University Foundation gym sa Angeles City, Pampanga. Nasa Clark Freeport Economic Zone bubble na rin ang buong delegasyon ng PBA, sa pangunguna ng 12 teams na kalahok sa all-Pinoy conference. Nagsimulang […]