• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MISIS TODAS, MISTER KRITIKAL SA ISUZU WING VAN

NASAWI ang isang misis habang nasa kritikal naman na kalagayan ang kanyang mister matapos ng isang Isuzu aluminum wing van salpukin ang kanilang sinasakyang bisikleta sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Si Warlita Samano, nasa hustong gulang at residente ng 74 Orchids St. Brgy. Longos, Malabon City ay died on the spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan habang ang kanyang asawa na si Ruel Samano, ay isinugod ng rumesponding Navotas City ambulance sa Tondo Medical Center kung saan ito patuloy na ginagamot.

 

 

Nakapiit ngayon ang driver ng Isuzu wing van (WIA-245) na kinilalang si Rodelio Lopez, nasa hustong gulang at residente ng No. 383 M Ceñidoza St. Brgy. Mambog, Binangonan, Rizal.

 

 

Sa report ni traffic police investigator P/SSgt. Boy Peñaranda kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, habang sakay ang mga biktima sa isang bisikleta at tinatahak ang southbound direction ng C-3 Road, Brgy. NBBS Kaunlaran dakong alas-8:15 ng gabi nang mula sa likod ay sinalpok sila ng isang Isuzu wing van na minamaneho ni Lopez.

 

 

Sa lakas ng impact, tumilapon ang mag-asawa sa bisikleta at bumagsak sa sementadong kalsada habang kusang loob naman na sumuko sa pulisya si Lopez matapos ang insidente.

 

 

Kasong reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injury at damage to property ang isinampa kontra kay Lopez sa Navotas City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Nagtapos na ang limited guest engagement: VINA, isa nang legit na ‘broadway actor’ dahil sa ‘Here Lies Love’

    NATAPOS na nga ang limited guest engagement ni Vina Morales bilang Aurora Aquino sa hit Broadway musical na “Here Lies Love” last Sunday, October 22.     Sa kanyang IG account, nagpaalam si Vina sa musical noong Lunes, October 23, nang mag-upload niya ang isang video kuha sa loob ng kanyang dressing room.     […]

  • Marcos camp nagmatigas vs electoral protest decision: ‘Only the 2nd cause of action

    Nagmatigas ang kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos na tanggapin ang desisyon ng Supreme Court na nagbasura sa kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.     Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, abogado ni Marcos, hindi pa tuluyang ibinabasura ng Korte Suprema, na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), ang protesta ng natalong […]

  • Sec. Lorenzana, pinabulaanan ang ulat na magkaiba sila ng ‘tono’ ni PDu30 sa usapin ng incursion ng China sa WPS

    PINABULAANAN ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang ulat na taliwas ang kanyang mga pahayag sa mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng incursion o pagsalakay ng China sa West Philippine Sea (WPS).   Aniya, ang naging kautusan ni Pangulong Duterte sa defense department hinggil sa WPS ay […]