• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quarantine facilities kailangang mag- provide ng isolation rooms

BINIGYAN ng mandato ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang  COVID-19 quarantine facilities sa bansa na mag- provide ng  isolation rooms.

 

 

Sinabi ni Acting presidential spokesperson t Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang nasabing hakbang ay nakasaad sa ilalim ng  IATF Resolution 157.

 

 

“The recommendation of the DOT [Department of Tourism] for hotels used as quarantine facilities to be likewise used as isolation facilities is adopted, subject to specific protocols that may be issued by the BOQ-DOH (Bureau of Quarantine-Department of Health),” ayon sa  IATF resolution.

 

 

“This was done so that individuals who tested positive for COVID-19 while in quarantine will be easily isolated rather than traveling to another facility,” dagdag na pahayag ni Nograles.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac na ang tumataas na bilang ng  COVID-19 cases sa bansa ay  nagresulta sa RT-PCR COVID 19 test laboratories para dagsain  ng mga specimens na naghihintay na ma-proseso at ang pagkaantala ng  turnaround time para sa pagpapalabas ng  test results.

 

 

“So parang may domino effect itong ano eh, ‘yung dami ng mga nagpapa-test ngayon. Hindi lamang sa mga umaalis kundi pati sa nanunumbalik,”ayon Kay  OWWA Administrator Hans Cacdac.

 

 

Sa kabilang dako, tuluyan nang inalis ng Pilipinas ang mandatory quarantine para sa mga fully vaccinated travelers mula  Green List countries o areas na may low risk of COVID-19 infection, Iyon nga lamang, kailangan na mag-presenta ang mga Ito ng negatibong RT-PCR test na ginawa 48 hours bago ang departure sa bansa kung saan sila nagmula at kailangan na mag- self-monitor para sa kahit na anumang sign o sintomas sa loob ng pitong araw kung saan ang unang araw ay ang petsa ng kanilang pagdating.

 

 

Ang listahan ng Green List countries mula Enero  16 hanggang  31 gaya ng nakasaad sa  IATF Resolution 157-B ay kinabibilangan ng:

 

Bangladesh

British Virgin Islands

Djibouti

The Gambia

Hong Kong

Japan

Montserrat

Oman

Saba (Special Municipality of The Kingdom of the Netherlands)

Sierra Leone

Timor Leste

Benin

China

Equatorial Guinea

Ghana

India

Kosovo

Morocco

Pakistan

Saint Barthelemy

Sint Eustatius

Uganda

Bhutan

Cote d Ivoire

Falkland Islands (Malvinas)

Guinea

Indonesia

Kyrgyzstan

Niger

Paraguay

Senegal, and

Taiwan

 

 

Samantala, nakapagtala naman ang Pilipinas ng  34,021 bagong COVID-19 cases sa isang araw, itinuturing na pinakamataas simula nang magsimula ang pandemiya na tumama sa bansa noong Marso 2020.  (Daris Jose)

Other News
  • NAVOTAS EMPLOYEES MAKAKATANGGAP NG CASH INCENTIVES

    MAGBIBIGAY ng karagdagang insentibo ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga epleyado city hall na patuloy ginagampanan ang kanilang tungkulin sa panahon ng COVID-19 pandemic.     Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang dalawang ordinansa na magbibigay ng cash assistance sa regular, casual, contract of service, at job order employees na nagtatrabaho sa pamahalaang lungsod simula […]

  • CHARACTER POSTERS AND MAIN TRAILER FOR “CONCRETE UTOPIA,” STARRING LEE BYUNG-HUN, PARK SEO-JUN AND PARK BO-YOUNG, RELEASED

    In the aftermath of a disaster, the story really begins. Watch the main trailer for the thrilling Concrete Utopia, and check out the newly released character posters. Concrete Utopia, starring Lee Byung-hun, Park Seo-jun and Park Bo-young, opens in Philippine cinemas September 20.       Directed by Um Tae-hwa, Concrete Utopia is loosely based on Part 2 of […]

  • CSC sa mga honor grads: Mag-apply ng eligibility

    HINIKAYAT  ng Civil Service Commission (CSC) ang mga college students graduates na suma cum laude, magna cum laude at cum laude na mag-apply ng eligibility sa kanilang tanggapan.     Ayon kay CSC Chairman Karlo Alexei Nograles, ang nasabing eligibility ay magagamit ng mga honor graduates sa pag-a-apply ng trabaho sa mga posisyon sa gobyerno. […]