• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HOTEL NA ISOLATION SITES, DADAGDAGAN

PLANO  ng gobyerno na dagdagan pa ang bilang ng mga kinontratang hotel na gagamitin bilang  mga isolation site matapos umabot sa 78 porsyento ang utilization rate ng Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMFs) .

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary and Treatment czar Leopoldo Vega na mayroon mataas na bilang ng mga kahilingan para sa isolation at quarantine facilities habang patuloy na tumataas ang kaso Ng coronavirus disease nitong nagdaang mga linggo.

 

 

“Iyong December kasi nasa 15 percent lang yata or mga less than 10 percent ng usage ng ating temporary treatment facilities. So, ang iba ho nito talagang nag-aano na, nag-defunctionalize (Last December, the usage of temporary treatment facilities is 15 percent or less than 10 percent. So, even some of them were defunctionalized),” pahayag ni Galvez sa isang televised  public briefing.

 

 

Dagdag pa niya na ang mga kontrata ng ilang hotel at pasilidad na itinalaga bilang mga TTMF. ay natapos na noong  Disyembre 31, 2021.

 

 

Upang makapagbigay ng naaangkop na mga lugar ng isolation at quarantine para healthcare workers at pangkalahatang publiko, ang mga lokal na yunit ng pamahalaan ay muling inaaktibo ang kanilang mga TTMF.

 

 

Ayon kay Galvez ang utilization kasi ng TTMFs ay nasa halos 78 % na kaya naman  itinataasna rin ang bilang ng isolation at pasilidad  para sa mga health care workers at saka sa general public .

 

 

Nitong Huwebes, nakapagtala ng  34,021 bagong kaso kung saan may kabuuan nang  3,092,409 habang nasa   237,387 na rin ang aktibong mga kaso sa bansa. GENE ADSUARA

Other News
  • JUANCHO, masayang-masaya dahil healthy ang baby nila ni JOYCE; prenatal check-up naging celebration ng V-Day

    MASAYANG-MASAYA si Juancho Trivino dahil healthy ang baby sa tiyan ng kanyang misis na si Joyce Pring pagkatapos ng second prenatal check-up nito.     Wala raw kumplikasyon ang pagbubuntis ni Joyce kahit na may pandemya pa rin sa buong mundo. Positive si Juancho na magiging maayos at masaya ang pagdala ni Joyce sa first […]

  • Mga dadalo ng SONA 2022, dapat sumailalim sa RT-PCR test

    MGA dadalo ng SONA 2022, dapat sumailalim sa RT-PCR test ng mula Sabado (Hulyo 23) ng ala-1:30 ng hapon       Ito ang nakapaloob sa ipinalabas na health and safety protocols ni House of Representatives Secretary-General Mark Llandro Mendoza bilang guidance sa mga dadalo sa pagbubukas ng First Regular Session ng 19th Congress at […]

  • Mayor Tiangco: Covid-free pa rin ang Navotas

    SA kabila ng mga tsismis na naglipana online, tiniyak ni Mayor Toby Tiangco sa mga residente ng Navotas na wala pa ring kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID19) sa lungsod.   Nilinaw ni Tiangco na ang lungsod ay may 13 na persons under monitoring (PUM) sa ngayon, 11 March, at lahat sila ay sumasailalim […]