• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaso ng COVID-19 sa labas ng Metro Manila, tumataas na rin

TUMATAAS na rin ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 hindi lang sa Metro Manila ngunit maging sa iba’t ibang parte na ng bansa, ayon sa OCTA Research Group.

 

 

“Cases in regions outside ‘NCR Plus’ are increasing,” ayon kay OCTA Research fellow Guido David. “All over the country, we’re starting to see an increase in cases”.

 

 

Kabilang sa mga lugar na may malaking COVID-19 growth rate ay ang Cagayan Valley, Panga­sinan, La Union, Benguet at Bicol region habang tumataas na rin ito sa ibang parte ng Central Luzon o Region III.

 

 

Nakitaan din ng pagtaas ang Tacloban City, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga City and Davao del Sur.

 

 

Samantala, posible naman umano na naabot na ang ‘peak’ o malapit nang maabot ito sa Metro Manila, Cavite, Rizal at Bulacan.

 

 

Bumaba na sa -1% ang growth rate dulot ng Delta variant sa Metro Manila mula sa 2%. Nabawasan din ang dating 54% na positivity rate na nasa 50% na lamang.

 

 

Hindi pa umano dapat magdiwang ang publiko dahil sa maaaring naabot na ng testing rate ang limitasyon nito kaya posibleng nagkakaroon ngayong ng artipisyal na pagbaba sa mga numero.

Other News
  • May nag-leak kasi na photos from the venue: BEA, inamin na napilitang isapubliko kaagad ang engagement nila ni DOMINIC

    NAIMBITAHAN ng GMA Network si Kapuso fashion and style icon Heart Evangelista na manood ng block screening ng “Five Breakups and A Romance” nina Alden Richards at Julia Montes, doon nakasama ni Heart na manood din si Alden.      Nagkaroon ng chance si Alden na matanong si Heart kung kailan sila gagawa ng kanilang […]

  • Mga tanggapan ng CHR, sarado hanggang Enero 21 dahil sa banta ng COVID-19

    INANUNSYO ng Commission on Human Rights (CHR) ang pansamantalang pagsasara ng kanilang mga tanggapan sa Quezon City upang bigyang-daan ang contact tracing sa hanay ng mga personnel at indibidwal na nagkaroon ng transaksyon sa tanggapan kasunod ng tumataas na COVID-19 infections.     Sa ipinalabas na CHR advisory, araw ng Sabado, sinabi ng CHR na […]

  • PROTOCOL MAHIGPIT NA IPAPATUPAD SA MAYNILA

    NAGHIHIGPIT pa rin ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa  pagpapatupad ng  health protocols sa kalsada at mga Barangay .   Kasunod ito sa  ginanap na directional meeting na pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si MPD Director P/Brig.General Leo Francisco at mga station comanders kung saan ipinag-utos ng alkalde ang mahigpit na pagpapatupad ng […]