PROTOCOL MAHIGPIT NA IPAPATUPAD SA MAYNILA
- Published on March 11, 2021
- by @peoplesbalita
NAGHIHIGPIT pa rin ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pagpapatupad ng health protocols sa kalsada at mga Barangay .
Kasunod ito sa ginanap na directional meeting na pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si MPD Director P/Brig.General Leo Francisco at mga station comanders kung saan ipinag-utos ng alkalde ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocol upang matigil ang tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod.
Inatasan din ng alkalde si Manila Brgy Bureau director Romeo Bagay na ilockdown ang alin mang barangay na patuloy ang paglobo ng COVID-19.
Kinakailangan lamang aniya na makipag-coordinate kay Francisco para sa security plan.
Inatasan din ng alkalde na umikot ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na siyang magsisilbing tagasita o COVID-19 Marshals at magsasaway ng mga pasayaw sa kalsada.
Ang naturang mga utos ay gagawin aniya ng tuluy-tuloy, walang patid, lalo na sa susunod na dalawang linggo.
Dagdag pa ni Domagoso sa ibang departamento ng pamahalaang lungsod na ihanda ang pagdedeliver ng monthly food boxes para sa buwan ng Marso para sa lahat ng 700,000 families sa Lungsod. (GENE ADSUARA)
-
LeBron James wala pang katiyakan kung kelan makakapaglaro dahil sa injury sa tuhod
POSIBLENG matagalan pa bago tuluyang makapaglaro si Los Angeles Lakers star LeBron James. Sinabi ng Lakers coach Frank Vogel na nagkaroon ng pamamaga sa kaliwang tuhod ni James. Dagdag pa nito na hanggang nandoon ang pamamaga ay patuloy pa rin itong hindi makakapaglaro. Ang 37-anyos na si James ay […]
-
GLAIZA, personal na tinanggap ang Best Film award ng TOHORROR Fantastic Film Festival para sa movie na ‘Midnight In A Perfect World’
KASALUKUYANG pinapasyalan ng engaged couple na sina Glaiza de Castro at David Rainey ang different places sa Italy para sa kanilang pre-nuptial shoots sa nalalapit nilang wedding. At isa sa napuntahan nila at ipinost ni Glaiza sa Instagram niya ang Como, Italy, the same places kung saan doon nag-shoot ng kanilang first […]
-
El Niño nagsimula na – PAGASA
PORMAL nang nagsimula ang El Niño phenomenon sa bansa. Ito ang idineklara sa ginanap na briefing ng PAGASA kahapon at nagsabing naitaas na nila ang antas ng warning status mula El Niño Alert na ngayon ay El Niño Advisory. Ayon sa PAGASA, mahina pa ang kasalukuyang El Niño pero nagpapakita na ng mga senyales na […]