12-anyos na dalagita 1 taon sex slave ng step father
- Published on January 19, 2022
- by @peoplesbalita
NAGWAKAS na ang isang taon kalbaryo ng 12-anyos na dalagita sa kamay ng step father niya nang maglakas loob na itong isumbong sa kanyang ina ang ginagawang panghahalay sa kanya ng amain makaraang muli siyang gapangin sa Navotas City.
Lumabas sa pagsisiyasat ng Navotas Police Women and Children Protection Desk (WCPD) na nagsimula ang kalbaryo ng biktimang Grade 7 student na itinago sa pangalang “Vicky” sa kamay ng kanyang step-father na itinago sa lang sa alyas “Edgar”, 33-anyos noong Enero 1, 2021 na nangyayari sa loob mismo ng kanilang tirahan sa Brgy. Tangos South.
Mula noon, kapag may pagkakataon ay ginagapang umano ng suspek ang anak ng kanyang kinakasama nang walang pinipiling oras, na labis nagdulot ng takot sa dalagita lalo na’t pinagbabantaan siya ng amain sa tuwing isasagawa ang panghahalay.
Nito lamang araw ng Sabado, Enero 15, 2022, dakong alas-10 ng umaga habang nakaidlip sa loob ng kanyang silid ang biktima, bigla siyang naalimpungatan nang maramdaman ang panghihipo sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.
Nagtangkang pumalag ang biktima subalit, muli siyang pinagbantaan ng amain na naging dahilan upang magtagumpay na muli ang suspek sa panghahalay sa kanya.
Matapos nito, naglakas loob na ang biktima na isumbong sa kanyang 30-anyos na ina ang dinaranas na kalbaryo sa kamay ng amain na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nahaharap ngayon sa kasong Rape in relation to R.A.7610 o Child Abuse Law. (Richard Mesa)
-
Grab sa TNVS: ‘Inactive’ drivers, alisin sa master list
PINAKIUSAPAN ng ride-hailing giant na Grab ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na alisin sa master list nito ng transport network vehicle service (TNVS) drivers ang mga inactive na miyembro. Sinabi ni Grab president Brian Cu na tinatayang higit sa 5 milyong tao ang magbo-book ng biyahe sa buong Metro Manila sa […]
-
Obrero kalaboso sa patalim at pagwawala sa Valenzuela
BINITBIT sa selda ang isang construction worker matapos magwala at maghasik ng takot habang armado ng patalim sa Valenzuela City, Lunes ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 155 (Alarms and Scandal) at Batas Pambansa bilang No. 6 (Illegal Possesion of Bladed, Pointed or Blunt Weapon) ang naarestong suspek na si alyas […]
-
Mga taga-MM na pupunta ng Tagaytay City kailangan pa ring kumuha ng travel pass-Malakanyang
PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang mga residente ng Metro Manila na kailangan pa rin nilang kumuha ng travel pass mula sa Philippine National Police kung pupunta ng Tagaytay City. Ang Tagaytay City ang itinuturing na top tourist destination sa Cavite province. Suportado ng Malakanyang ang pahayag ni Joint Task Force COVID Shield commander Police […]