• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpatay sa 18-anyos na estudyante, nasaksihan ng sariling ina sa Malabon

LABIS na kalungkutan ang dinaranas ng isang 56-anyos na ina matapos matuklasan na ang sarili pala niyang anak na 18-anyos na lalaki ang biktima sa nasaksihang malagim na pagpatay sa Malabon City, Huwebes ng madaling araw.

 

 

Nadiskubre ang walang buhay na katawan ni John Michael Legaspi, residente ng 258 Dulong Hernandez St. Brgy. Catmon ng mga barangay tanod na nakasubsob ang mukha sa madilim na bahagi ng Sacabica St., Dumpsite Brgy. Catmon kaya’t agad nilang nireport sa pulisya ang insidente.

 

 

Natutulog sa kanilang bahay ang ina ng biktima na si Emilinda Legaspi, byuda nang gisingin ng kapitbahay at ipinalaam sa kanya na natagpuang patay ang kanyang anak na lalaki sa Sacabica Street, ilang metro lang ang layo sa kanilang lugar.

 

 

Kaagad pumunta sa naturang lugar si Emilinda at laking gulat nito nang makita ang anak na nakasubsob ang mukha at may mga saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan.

 

 

Sa pahayag ng ina ng biktima kila Malabon police homicide investigators P/SSgt. Ernie Baroy at P/Cpl Renz Marlon Baniqued, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang magising siya sa ingay na nag-udyok sa kanya na lumabas at nakita niya ang tatlong lalaki na hinihila ang isang lalaki ngunit nakilala lamang niya ay ang isa sa mga suspek na si Erron Fulgar, 31, dahil kapitbahay niya ito.

 

 

Palihim niyang sinundan ang mga ito hanggang sa makarating sa madalim na bahagi ng Sacabica St. kung saan nakita niyang pinagsasaksak ng mga suspek sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima.

 

 

Dahil sa takot sa malagim na eksenang nasaksihan at baka makita siya ng mga suspek ay agad umuwi si Emilinda.

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang pinagsamang mga tauhan ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Follow-Up Unit at Intelligence Section para sa posibleng pagkakaaresto kay Fulgar at sa dalawa nitong kasama. (Richard Mesa)

Other News
  • HIGIT 2.2 BILYONG HALAGA NG GAMOT ITINATAGO NG DOH

    PDu30, inatasan ang DOH na ipamahagi ang mga medisina na malapit nang mag-expired.   INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Health (DOH) na ipamahagi ang mga medisina na malapit nang mag- expired kung saan isinisisi ng Commission on Audit (COA) ukol sa poor inventory at supply management system.   Ayon kay Presidential […]

  • May nagawa na ‘major major mistakes’: Pag-amin ni VENUS na may nakarelasyon na mas matanda, ikinagulat ng marami

    MATAGAL na naging tahimik sa media si Miss Universe 2010 3rd runner-up Venus Raj sa anumang involvement sa showbiz at nag-concentrate ito sa kanyang pagiging community worker at pagiging speaker sa kanyang religious group.     Kaya laking-gulat ng marami nang biglang nakuwento sa ito sa pakikipagrelasyon niya noong 16 years old siya sa isang […]

  • Mahigpit na protocols ipinatutupad ng PSC sa training bubble

    Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pag-obserba ng mga national athletes sa mahigpit na health and safety protocols sa kanilang trai­ning bubble.     Ayon kay PSC Commissioner Ramon Fernandez, bago pumasok ang mga miyembro ng national team sa isang bubble ay kailangan muna nilang dumaan sa RT-PCR test bukod pa sa antigen test. […]