• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sekyu kalaboso sa panghahablot ng cellphone

BAGSAK sa kulungan ang isang security guard matapos hablutin ang bag na may laman cellphone ng 18-anyos na binata sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ang naarstong suspek na si Reynaldo Catada, 45, security guard at residente ng Road 3, Lingahan St., Brgy., Malanday na nahaharap sa kasong Robbery Snatching.

 

 

Sa imbestigayon ng pulisya, habang nakatayo malapit sa kanilang bahay sa Road 3, Lingahan St., Brgy., Malanday ang biktimang si John Lei Espenida, 18, (pwd), dakong alas-11 ng gabi nang sapilitang agawin ng suspek ang kanyang bag na may laman cellphone na nasa P7,900 ang halaga.

 

 

Tinangkang manlaban ng biktima para mabawi ang kanyang bag subalit, hindi niya kinaya ang lakas ng suspek at nauntog sa pader na naging dahilan upang magkaroon siya ng minor injury sa braso.

 

 

Matapos nito, mabilis na tumakas ang suspek dala ang bag habang nireport naman ang insidente kay PSMS Roberto Santillan at Pat Dina ng Sub-Station 6 na nagsasagawa ng Oplan Gaulagad sa lugar, kasama ang Barangay Tanod ng Malanday.

 

 

Sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis sa pangunguna ni PSMS Santillan ay agad namang naaresto ang suspek at nabawi ang bag at cellphone ng biktima. (Richard Mesa)

Other News
  • Pagbati bumuhos kay retired NBA great Dwayne Wade matapos maging co-owner ng Utah Jazz

    Bumuhos ang pagbati kay retired NBA player Dwayne Wade matapos kumpirmahin nito na kabilang na siya sa may-ari ng NBA top team ngayon na Utah Jazz.     Kung maalala huling naglaro si Wade, dalawang taon na ang nakakalipas sa ilalim ng Miami Heat kung saan inabot siya ng 14 na season.     Ang […]

  • SHARON, nag-post ng nakaka-touch na mensahe para sa 21st birthday ni FRANKIE

    NAG-POST si Megastar Sharon Cuneta ng nakaka-touch na birthday message para sa anak na si Simone Francesca Emmanuelle Cuneta Pangilinan na ipinanganak noong December 16, 2000.     Post pa ni Sharon na isang Sagittarius si Frankie and was born in the Chinese year of the Golden Dragon.     Caption ni Mega, “21. At […]

  • MOTORSIKLO SUMALPOK SA KOTSE, RIDER TODAS

    NASAWI ang isang rider matapos dumulas at sumemplang ang minamanehong motorsiklo saka sumalpok sa isang papalikong kotse sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Juanito Angala, 44-anyos, may-asawa at residente ng Blumentrit Extension, […]