• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, gugunitain ang Anibersaryo ng Araw ng Unang Republikang Pilipino

LUNGSOD NG MALOLOS– Pangungunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang paggunita sa “Ika-123 Anibersaryo ng Araw ng Unang Republikang Pilipino” sa makasaysayang bakuran ng Simbahan ng Barasoain sa lungsod na ito sa Linggo, Enero 23, 2022, alas-8:00 ng umaga.

 

 

Bilang panauhing pandangal, pangungunahan ni Fernando ang pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Hen. Emilio Aguinaldo sa isang payak na programa na naka-angkla sa temang “Unang Republikang Pilipino: Sandigan ng Nagbabagong Panahon”.

 

 

Sa kabila ng pandemya at kahit sa pamamagitan ng maikling programa, sinabi ni Fernando na mahalaga ang paggunita ng katangi-tanging kaganapan na ito na umukit sa pangalan ng Pilipinas sa kasaysayan ng mundo bilang bansa na kayang pamahalaan ang kanyang sarili.

 

 

“Ito ay hindi upang ipakita na memoryado natin ang aklat ng kasaysayan. Ang higit na mahalaga ay ang ipamulat sa ating henerasyon na taglay natin ang katatagan na nag-ugat sa mga aral ng nakaraan, at upang patunayan na marami tayong prinsipyong natutunan mula dito,” anang gobernador.

 

 

Sasamahan si Fernando nina Bise Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado, Kinatawan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas Rosario V. Sapitan, Punong Lungsod ng Malolos Gilbert T. Gatchalian, Pangalawang Punong Lungsod Noel G. Pineda, at PCol. Rommel J. Ochave ng PNP Bulacan.

 

 

Dahil sa mga restriksyong pangkalusugan na dulot ng pandemya, iilang tao lamang ang papayagang pisikal na dumalo sa pagtitipon ngunit ila-livestream ito sa opisyal na Facebook page ni Fernando. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Kahit na aktor din at producer sa pelikula: ALDEN, pangangatawan na talaga ang pagiging direktor

    KALOKA ‘yung manonood lamang si Jaya ng concert ni Regine Velasquez sa California ay naksidente  pa ang Queen of Soul at ilang mga kaibigan.    Si Jaya mismo ang nag-post at nagkuwento kung ano ang nangyari sa pamamagitan ng kanyang Instagram account   Sa Napa Valley, California naganap ang pagbangga ng isang sasakyan sa kanilang sinasakyang […]

  • Ads November 30, 2021

  • Ads July 20, 2022