PSC hahanap ng dagdag na pondo para sa paglahok ng Team Philippines sa Vietnam SEAG
- Published on January 24, 2022
- by @peoplesbalita
MAGHAHANAP ang Philippine Sports Commission (PSC) ng karagdagang pondo para sa national delegation na isasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.
Sinabi kahapon ni PSC Commissioner at Team Philippines Chef De Mission Ramon Fernandez sa ‘Power and Play’ program ni Noli Eala na hihingi sila ng tulong kay Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino.
“We’ll see where we can source out the others (funds) with the help of Cong. Bambol,” ani Fernandez. “Maybe hopefully we can request for contingent or more funds from DBM (Department of Budget and Management) as we will be able to compute how much it will cost.”
Mula sa dating P200 milyon ay P71 milyon na lang ang natira sa pondo ng PSC para sa national delegation na ilalahok sa Hanoi SEA Games.
Nabigyan ang sports agency ng Kongreso ng dagdag na P50 milyon.
Dahil sa kakapusan ng pondo ay napilitan ang POC na bawasan sa 584 ang bilang ng mga national athletes na isasalang sa biennial event na nakatakda sa Mayo 12-25.
May 80 pang atletang hindi naisama sa 584 at posibleng gamitin ang ‘have money, will travel’ policy ng POC para makasali sa Hanoi SEA Games.
Idedepensa ng Team PHL ang overall championship na nakamit noong 2019 Manila SEAG.
-
DOH, inilunsad ang Immunization Capmaign
INILUNSAD ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang catch-up immunization campaign upang mabakunahan ang 107,995 bata laban sa vaccine-preventable diseases. Target ng inisyatiba na mabakunahan ang nasa edad 0-23 buwan sa National Capital Region (NCR) na nakaligtaang bakunahan ng BCG vaccine, hepatitis B, Bivalent oral polio vaccine (bOPV) ,pentavalent vaccine,pneumococcal […]
-
95%- 96% ng SIM owners, rehistrado na ang SIM card—DICT
TINATAYANG nasa 95% hanggang 96% ng SIM card owners ang nakapagpa-rehistro na ng kani-kanilang SIM card. “As of May 10, 95 million na po, magna-96 million,” ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy sa isang panayam. “I expect mga 100 million more or less, so […]
-
WHO naniniwalang mayroon ng bakuna laban sa COVID-19 sa katapusan ng taon
NANINIWALA ang World Health Organization (WHO) na posible sa katapusan ng taon ay mayroon ng bakuna laban sa COVID-19. Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na maraming mga bansa na ang nag-uunahan na na gumawa na ng bakuna. Mayroon na kasing siyam na experimental vaccines sa ilalim ng WHO-led COVAX global vaccine […]