DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 13) Story by Geraldine Monzon
- Published on January 24, 2022
- by @peoplesbalita
HINUBAD ni Roden ang kuwintas na nakasuot kay Angela at pinalitan iyon ng bagong kuwintas na binili niya para rito. Siya mismo ang nagsuot sa leeg nito.
Unti-unting namang bumaba ang tingin ni Angela mula sa pagtanaw sa labas ng bintana hanggang sa nakalapag na kuwintas sa papag. Tila ba may nais itong ipaalala sa kanya. Kung ano ay hindi pa niya mahanap sa puso niya.
“Tingnan mo Angela, napakaganda, nagustuhan mo ba?” tuwang tanong ni Roden.
Hindi sumagot si Angela. Ang mga tingin niya’y napako sa kuwintas na inilapag lang ni Roden sa papag. Hindi iyon nagustuhan ng lalaki.
“Angela, ang mahal ng bili ko sa kuwintas na’to, kaya pwede ba pansinin mo naman!”
Lumipat ang tingin ni Angela sa mukha ng binata.
Ginagap ni Roden ang palad niya.
“Makinig kang mabuti Angela. Susubukan ko pa rin na lagi kang unawain. Pero sana naman huwag mong ubusin ang pasensya ko.” pagkasabi niyon ay pabagsak na binitawan ni Roden ang kamay ng babae at tinalikuran na ito.
Habang lumilipas ang mga araw ay patuloy namang nahuhulog ang loob ni Cecilia kay Bernard.
Sa guest room na ipinagamit sa kanya ni Lola Corazon. Humarap siya sa salamin at pinakatitigan ang sarili.
“Cecille…huwag…huwag kang mahulog…pakiusap…hindi ikaw ‘yan…hindi ang tipo mo ang mahuhulog sa tipo niya…” paalala ng dalaga sa sarili.
Pero tila walang balak makinig sa mga paalala niya ang kanyang puso.
Nagpulbos siya, nagkilay at nagpahid ng konting lipstick saka inilugay ang nakapuyod na buhok na hindi niya dating ginagawa.
“Bernard, magugustuhan mo kaya ako kung sakaling hindi na siya magbalik sa buhay mo?” kausap ni Cecilia sa sarili sa harap ng salamin.
“Maganda ka naman pala Cecille, pero huwag kang masyadong umasa…sa pag-ibig na malabo pa sa tubig baha…”
Ilang saglit pang tinitigan ni Cecilia ang sarili sa harap ng salamin sa ganoon niyang ayos bago nagpasyang burahin ang mga kolereteng inilagay sa mukha.
“Hindi bagay sa’yo ‘yan. Huwag mo ng uulitin.” muli niyang paalala sa sarili.
“Cecilia!” narinig niyang tawag ni Lola Corazon kaya’t nagmamadali siyang lumabas ng silid.
Hindi maintindihan ng dalaga kung bakit tila magnet na laging nais niyang mapadikit kay Bernard. Pero para naman itong estatwa na ni hindi niya makausap man lang. Kaya’t ganoon na lang ang pagkabigla niya nung araw na iyon nang magpatimpla sa kanya ng kape si Bernard. Dinala niya ito sa hardin kung saan namamahinga ang lalaki at sinabihan siyang maupo muna roon at samahan siyang magkape.
“Po?”
“Ang sabi ko maupo ka muna diyan.”
Marahang naupo ang dalaga sa katapat na upuan ni Bernard.
“Cecilia, matanong nga kita, nawalan ka na ba ng mahal sa buhay?”
“A-Ang mama ko, bata pa po ako nung mag-abroad na siya at madalang pa sa patak ng ulan ang komunikasyon namin. Si papa, may iba ng pamilya. Kaya silang dalawa, tinanggap ko ng wala na sa buhay ko.”
“Sorry to hear that. Pero, I mean, ‘yung tao na nakakapagpasaya sa puso mo, boyfriend, asawa?”
Umiling ang dalaga.
“Hindi pa po ako nagkaka-boyfriend…”
“What? Well, I guess hindi mo maiintindihan ang mga pinagdaraanan ko ngayon.”
“Sir, kahit hindi ko po kayo maintindihan, handa po akong makinig…”
“I’m sorry. Hindi tama ito. Hindi tamang idamay pa kita sa nararamdaman ko. Sige na, iwan mo na’ko.”
Malungkot na tumayo si Cecilia at humakbang na palayo sa lalaki.
Lugmok pa rin sa kabiguan si Bernard. Hindi pa rin niya masumpungan ang kapayapaan sa puso hangga’t hindi niya natatagpuan ang kanyang mag-iina. Si Bela, si Angela at ang nasa sinapupunan nito.
Isang gabi. Mula sa trabaho ay muli siyang nagpakalunod sa alak sa loob ng isang bar.
Habang minamaneho niya pauwi ang kotseng pansamantalang ipinagamit sa kanya ng kumpanya, dala ng kalasingan ay hindi niya napansin ang isang papatawid na matanda.
SKREEETCH!
“Shit!”
Huli na para maiwasan ito. Dahil sa nangyari ay nawala ang kalasingan ni Bernard. Agad niyang sinaklolohan ang matanda at dinala sa pinakamalapit na ospital.
Mabuti na lamang at hindi niya ito napuruhan. Matapos tingnan ng doktor ay nilapitan niya ito para kausapin.
“Kumusta na ho ang pakiramdam nyo?”
“Hijo, salamat…salamat at nadala mo ako agad sa ospital.”
“Hindi ho kayo dapat magpasalamat. Nasagasaan ko po kayo. Pero huwag kayong mag-alala, akong bahala sa lahat ng gastos nyo rito.”
“Teka, sino ho bang kamag-anak nyo ang pwede kong kontakin?” tanong ni Bernard.
“Ah, eh…wala eh…wala akong kasama sa bahay ngayon…”
“Gano’n po ba? E sige po uuwi muna ko. Babalikan ko na lang kayo bukas after ng work ko. Patawagan nyo na lang po ako sa number na iniwan ko sa nurse just in case na kailangan nyo akong kontakin.”
Tumango ang matanda. Palabas na ng silid si Bernard nang muli niya itong tawagin.
“B-Bernard…”
Lumingon si Bernard.
“Kilala nyo po ako?”
Marahang tumango ang matanda.
“Ako ang ama ni Roden…”
“Si Roden?…Yung dating ka-officemate at kaibigan ko?”
“Oo, siya nga.”
(ITUTULOY)
-
Halos 216,000 na ang naturukan ng COVID-19 vaccine – gov’t
Umakyat pa sa 215,997 ang kabuuang bilang ng mga naturukan ng COVID-19 vaccine sa buong Pilipinas. Sa datos na inilabas ng Department of Health at National Task Force Against COVID-19, ito rin ay 38% ng kalahati ng mahigit 1.1-milyong doses na dumating na sa bansa sa kasalukuyan. Nasa 929 vaccination sites […]
-
Ridley Scott and his team Reflect on the Journey Behind “Gladiator II”
FANS of Gladiator can finally rejoice as the highly-anticipated sequel, Gladiator II, directed by Ridley Scott, roars into cinemas on December 4. Ever since the first film’s legendary success in 2000, whispers of a sequel have echoed through Hollywood. According to Scott, “The popularity of Gladiator just kept growing. The film stayed in […]
-
MMDA dudang 100k sasama sa Piston tigil-pasada, aagapay sa commuters
MINALIIT ng Metropolitan Manila Development Authority ang posibleng maging epekto ng inilulutong transport strike ng Piston kontra “jeepney phase” out at December 31 consolidation deadline — pero nakahanda na raw silang umalalay sa mga maiipit ng welga. Ito ang ibinahagi ni MMDA acting chairperson Don Artes sa isang video statement bago ang December […]