• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3rd Quarter Monthly allowance ng MPD police, naibigay na

IBINIGAY na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang 3rd quarter allowance sa lahat ng kapulisan na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) ngayong araw.

 

Matapos ang isinagawang flag raising ceremony, mismong si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang nag-abot ng tseke sa ilang kapulisan na naglalaman ng kanilang “monthly allowance” simula buwan ng Hulyo, Agosto, at Setyembre ngayong taon.

 

Nasa kabuuang P36,578,500 halaga ng allowance ang itinurn-over ng pamahalaang lungsod sa pamunuan ng MPD sa pamumuno ni Director P/Brig.Gen. Rolando Miranda upang ipamahagi sa kada pulis na nakatalaga sa Maynila.

 

Ayon naman kay Miranda, nasa mahigit 4,800 ang kabuuang bilang ng kapulisan na nakatalaga sa Maynila kung saan ang bawat isa sa kanila ay makatatanggap ng halagang P7,500 allowance dahil ang kada pu- lis ay nakatatanggap ng P2,500 monthly allowance sa pamahalaang lungsod. (Gene Adsuara)

Other News
  • DINGDONG, aminadong miss na muling sumabak sa lock-in taping dahil almost a year nang walang bagong project

    MISS na raw ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na muling sumabak sa lock-in taping para sa bagong project na gagawin niya sa GMA Network.      Kung matatandaan si Dingdong at ang cast ng Descendants of the Sun ang unang sumabak sa lock-in taping noong bago pa lamang umiral ang community quarantine dahil sa […]

  • Iwa, nag-comment ng ‘let’s celebrate’: Kasal ni JODI kay PAMPI, na-annul na after 13 years

    MATAPOS ang labing-tatlong taon na paghihintay, na-annul na ang kasal ni Jodi Sta. Maria kay Pampi Lacson.   Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post, ibinahagi ni Jodi ang magandang balita, kasama ng isang quote at picture niya sa Instagram page.   Mababasa sa quote, “So I close my eyes to old ends, and open my […]

  • Hiring ng mga aplikanteng bakunado laban sa COVID-19, hindi diskriminasyon-Galvez

    “Public interest is higher than personal interest,”     Ito ang naging pahayag ni vaccine czar at National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. sa nagsasabing isang malinaw na diskriminasyon ang pagtanggi ng mga kumpanya sa mga aplikante na hindi pa bakunado laban sa Covid- 19.     Ipinanukala kasi  ng pribadong […]