• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hawaan ng COVID-19 sa NCR, bumagal

BUMABA pa sa 1.2 na lamang ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila hanggang noong Enero 19, mula sa dating 2.95 noong nakalipas na linggo.

 

 

Sa kabila nito, nilinaw naman ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na nananatili pa rin ang rehiyon sa “very high risk” classification kaya’t pinayuhan ang mga mamamayan na patuloy na maging maingat at obserbahan ang umiiral na health at safety protocols.

 

 

Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng mga tao na maaaring maihawa ng sakit ng isang pasyente ng COVID-19. Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon nang pagbagal ng hawaan ng virus.

 

 

Samantala, iniulat din naman ni David na ang one-week growth rate sa rehiyon ay bumaba pa sa -42%, na inilarawan niya bilang “a clear downward trajectory” sa mga bagong COVID-19 cases.

 

 

Bumaba rin ang average daily attack rate (ADAR) sa NCR sa 72, ngunit nasa “very high level” ito.

 

 

Sa isa pang tweet, sinabi ni David na ang mga lalawigan sa labas ng NCR ay nasa very high risk, dahil sa mataas na ADAR.

 

 

Sinabi rin ni David na ang COVID-19 cases sa Cavite at Batangas ay posibleng umaabot na sa peak.

 

 

Nakapagtala rin ng negative growth rates ang Rizal at Bulacan ngunit nasa very high risk pa rin.

Other News
  • Ilang mga NBA players nakipagpulong kay Pope Francis

    Nakipagpulong si Pope Francis sa ilang NBA player na mga opisyala ng National Basketball Players Association.   Napag-usapan sa pagpupulong tungkol sa social injustice issues.   Kinabibilangan ito nina Kyle Korver ng Milwaukee Bucks, Sterling Brown ng Houston Rockets, Jonathan Isaac ng Orlando Magic, Anthony Tolliver ng Memphis Grizzles at Marco Belinelli ng San Antonio […]

  • Nakapagpahinga na ng ilang buwan: JOHN LLOYD, balik-sitcom na sa pagbubukas ng bagong taon

    PATULOY ang GMA Network sa pag-participate sa international market, after nilang nag-join sa MIP-COM in Cannes, France last October, GMA through its content distribution arm GMA Worldwide.      Nag-participate naman sila sa Asia TV Forum (ATF) 2022 in Singapore, na kilalang Asia’s leading entertainment content market, this year’s event is the first in-person Asia […]

  • Kaabang-abang ang pagsasama nila Coco: ALDEN, napagod na sa isyung pinagdududahan ang kanyang pagkalalaki

    SA recent vlog ni Toni Gonzaga na may titulonh “What Alden Is Tired Hearing About,” hinahayaan na lang ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards kung ano ang gustong isipin ng mga tao tungkol sa kanya.     Ayaw na ngang pansinin ng Kapuso actor ang isyu na patuloy na pinagdududahan ang kanyang gender identity dahil […]