Sec. Roque, walang ideya kung mag-State Visit ang Pangulo sa ilalim ng liderato ni US President-elect Joe Biden
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
WALANG ideya si Presidential spokesperson Harry Roque kung may plano si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bisitahin ang Estados Unidos sa ilalim ng liderato ni President-elect (Joe) Biden bago matapos ang termino nito sa 2022.
“Wala po akong nalalaman ‘no at siyempre po iyan naman po ay sang-ayon din sa magiging imbitasyon nitong si President-elect (Joe) Biden. So, hayaan na po muna natin mag-settle in si President-elect Biden,” ayon kay Sec. Roque.
“Let’s cross the bridge when we get there” naman ang sagot ni Sec. Roque sa tanong na kung sakali naman at personal na hilingin ni US president-elect, Joe Biden kay Pangulong Duterte na mag-state visit ito at pumunta sa Estados Unidos.
Giit ni Sec. Roque, wala naman siyang nakikitang dahilan para tanggihan ang nasabing imbitasyon kung sakali.
“Pero uulitin ko nga po ‘no, si President-elect Biden is president- elect until January 20, ang proseso po nila iku-confirm pa ang kanyang pagkapanalo ng electoral college na tinatawag,” lahad nito.
Samantala, muling nagpaabot ng pagbati ang Malakanyang sa pagkapanalo ni Biden.
Sinabi ni Sec. Roque na tiwala naman ang pamahalaan na dahil napakalapit ng relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos ay patuloy na magiging mas mabuti pa ang samahan ng dalawang bansa sa ilalim po ng pamumuno ni Presidente Duterte at ni President-elect Biden. (Daris Jose)
-
4 DRUG PERSONALITIES TIMBOG SA P.6-M SHABU
KALABOSO ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Mark Anthony Ellaso, 35, Jose Taguiwalo, 48, Dennis Cruz, 49 […]
-
Ospital sa NCR mapupuno sa Agosto
Posible umanong magkapunuan o umabot ng full capacity ang mga pagamutan sa National Capital Region (NCR) sa kalagitnaan ng Agosto kung hindi kaagad magpapatupad ang national government ng community quarantine restrictions. Ayon kay OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco, base sa projections mula sa Thailand, Malaysia at Vietnam, ang health care utilization rate […]
-
Ads December 27, 2023