• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH pinaiiwas muna ang publiko sa Christmas caroling dahil sa COVID-19

PINAIIWAS muna ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga nakagawiang aktibidad tuwing holiday season tulad ng Christmas caroling dahil sa banta ng COVID-19.

 

Pahayag ito ng ahensya sa gitna ng mga paghahanda sa ilang tradisyon tuwing sasapit ang Pasko at Bagong Taon.

 

“Let us limit the number of people in social gatherings and activities, preferably to people within the same household. Avoid activities that require travel to areas with higher quarantine classification and keep activities as short as possible,” ani Health Sec. Francisco Duque III.

 

Ayon sa tagapagsalita ng ahensya, may mga lumabas nang pag-aaral tungkol sa risk o banta ng COVID-19 transmission ng ilang aktibidad na ginagawa ng mga tao.

 

“May lumabas na pag-aaral na ipinakita na kapag ikaw ay may certain activity how much load of the virus can you transmit. Mayroon diyan yung pagsasalita, paghinga, pag-ubo, pagbahing, pagkanta at pagsasalita ng malakas,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

“Nakita diyan na yung pagkanta ng malakas, ‘yan yung pinakamataas na porsyento or highest yield of the virus if you’re infected na lalabas.”

 

Sa ilalim ng Department Circular No. 2020-0355, pinapayuhan ng ahensya ang publiko na iwasan pa rin ang malalaki at matagal na pagtitipon.

 

Hindi rin muna inirerekomenda ng DOH ang holiday activities sa enclosed spaces o masisikip na lugar, kung saan malabong masunod ang physical distancing protocol.

 

Pinag-iingat din ng Health department ang magpapamilya sa pagtanggap sa mga kamag-anak na galing sa malalayong lugar.

Other News
  • Kasama sa primetime series ni Dingdong: RABIYA, masayang-masaya sa big break na ibinigay ng GMA Network

    OUR congratulations to GMA Network, Director Mark Reyes at sa buong production staff ng #V5LegacyThe CinematicExperience, dahil hindi na nila kailangang mag-promote na panoorin ang naiibang panonood ng VoltesV: Legacy on the big screen.       Labis ang pasasalamat ng writer na si Suzette Doctolero at Direk Mark sa mga moviegoers dahil sila na ang nagpo-post […]

  • Ads October 2, 2020

  • Teng pinuno na ng Alaska

    SA simula nang unang upo ni Jeffrey Cariaso bilang coach ng Alaska Milk, mababalasa rin ng tatahakin ang Aces.   Mga bagong dugo na ang inaasahang ipangkakanaw ng gatas sa papasok na buwang 45th Philippine Basketball Association Philippine (PBA) Cup 2020.   Bubuksan ang all-Pinoy Conference sa Marso 8 na si Jeron Teng na ang […]