• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinakabagong resulta ng OCTA Research survey, ikinatuwa ng Malakanyang

IKINATUWA ng Malakanyang ang pinakabagong resulta ng OCTA Research December 2021 Tugon ng Masa National Survey, na nagbibigay diin sa dalawang mahalagang puntos.

 

 

Tinukoy ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pagbaba sa 5% ng COVID-19 vaccine hesitancy sa mga adult Filipino at tanging 2% lamang ng adult Filipino ang nahawaan ng COVID-19 matapos na maging fully vaccinated.

 

 

“This is incontrovertible evidence that COVID-19 vaccines protect us, our loved ones, and our communities from the virus. It also emphasizes that vaccination is a step towards the right direction in our efforts to restore normalcy,” ayon kay Nograles.

 

 

“As of January 26, 2022, we have administered a total of 125,089,118 vaccine doses. More than 58.1-M Filipinos are now fully vaccinated. Having said this, we will continue to explore different methods to make vaccines more accessible to our people—such as the Resbakuna sa Botika Drive and the We Vax as One Mobile Vaccination Drive for Transport Workers—as part of our goal to inoculate 90 million Filipinos by the end of the term of President Rodrigo Roa Duterte,” dagdag na pahayag ni Nograles.

 

 

Sa ulat, tanging 5% lamang ng adult filipino ang hindi sang-ayon na mabakunahan ng covid 19.

 

 

Ang OCTA survey, ay isinagawa noong Disyembre 7 hanggang 12 noong nakaraang taon, nagpapakita na tanging 5% ng adult Filipino ang aayw na magpabakuna laban sa COVID-19 na mas mababa sa 22% adult Filipino noong Setyembre 2021.

 

 

Ang vaccine hesitancy ay nananatiling mataas sa Visayas at Mindanao na mayroong 9% bawat isa, sinundan ng National Capital Region at Balance Luzon na may 3% bawat isa.

 

 

“Across socioeconomic classes, adult Filipinos in Class D and E have posted a higher percentage of vaccine hesitancy at 6% compared with only 4% for class ABC,” ayon sa survey.

 

 

Samantala, ipinakita rin ng OCTA poll na may 2% ng adult Filipino ang nahawaan ng COVID-19 matapos na maging fully vaccinated o makompleto ang kanilang vaccine dosage.

 

 

“The highest percentage of adults contracting COVID-19 after full vaccination was recorded in Balance Luzon at 3%, followed closely by Mindanao and Metro Manila at 2% and 1%, respectively,” ayon pa rin sa survey.

 

 

Sa kabilang dako, 98% ng fully vaccinated adult Filipino ay hindi nahawaan ng COVID-19 virus matapos makompleto ang kanilang vaccine dosage. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • TRUCK HELPER BINARETA SA LEEG NG KA-TRABAHO

    MALUBHANG nasugatan ang 28-anyos na truck helper matapos tarakan ng bareta sa leeg ng kapwa truck helper nang mapuno na umano ang suspek sa pambu-bully sa kanya ng biktima sa Malabon City.     Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa leeg ang biktimang si Christian Borja, alyas “Ogag”, tubong Buhi, Camarines Sur. […]

  • Kasong murder sa mga may sakit ng Covid-19 na hindi nag-iingat para makahawa ng iba

    MAAARING panagutin sa kasong murder ang mga may sakit ng COVID-19 na hindi nag-iingat para na hindi makahawa ng iba.    Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay tila pinaboran ng Chief Executive ang naging mungkahi ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo na may mga mabibigat […]

  • Pacquiao vs McGregor: Matinding bugbugan

    TINATAYA nina veteran martial arts practioners Manuel Monsour del Rosario III at Alvin Aguilar na magiging hitik sa aksiyon ang bangasan nina Sen. Emmanuel Pacquiao at Ultimate Fighting Championship (UFC) superstar Conor Anthony McGregor sa taong ito sa Dubai, United Arab Emirates.     Nag-1988 Seoul Olympian at Philippine Taekwondo Association (PTA) secretary general sa […]