• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR at 7 lalawigan, inilagay sa ilalim ng Alert Level 2 simula Pebrero 1

INILAGAY ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang National Capital Region at 7 iba pang lalawigan sa ilalim ng Alert Level 2, simula Pebrero 1.

 

 

Ang iba pang lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 ay Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal sa Luzon; Biliran at Southern Leyte sa Visayas; at Basilan sa Mindanao.

 

 

Samantala, inilagay naman sa Alert Level 3 ang mga sumusunod na lungsod at lalawigan:

  • Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga at Mountain Province;
  • Region I: Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan;
  • Region II: City of Santiago, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino;
  • Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac at Zambales;
  • Region IV-A: Batangas, Laguna, Lucena City and Quezon Province;
  • Region IV-B: Marinduque, Romblon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro at Puerto Princesa City;
  • Region V: Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Naga City at Sorsogon.
  • Region VI: Aklan, Antique, Bacolod City, Capiz, Iloilo City, Iloilo, Negros Occidental at Guimaras;
  • Region VII: Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Bohol, Cebu, Negros Oriental at Siquijor; at
  • Region VIII: Ormoc City, Tacloban City, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar at Western Samar.
  • Region IX: City of Isabela, Zamboanga City, Zamboanga Del Sur, Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay;
  • Region X: Bukidnon, Cagayan de Oro City, Iligan City, Lanao del Norte, Misamis Occidental at Misamis Oriental;
  • Region XI: Davao City, Davao Del Sur, Davao Del Norte, Davao Oriental at Davao de Oro;
  • Region XII: General Santos City, North Cotabato, Sarangani, South Cotabato at Sultan Kudarat;
  • Region XIII: Surigao del Norte, Surigao Del Sur, Agusan Del Norte, Agusan del Sur at Butuan City; at
  • Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao: Maguindanao, Cotabato City at Lanao Del Sur.

 

 

Ang mga nasabing Alert Levels ay epektibo mula araw ng Martes, Pebrero 1 hanggang Pebrero 15, 2022.

 

 

Samantala, ia-anunsyo ngayon ng Malakanyang kung ano ang Alert Level para sa lalawigan ng Ifugao para sa panahon na mula Pebrero 1 hanggang 15, 2022.

 

 

Sinabi ni Nograles na ngayon pa kasi aaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), Enero 31, 2022 ang usaping ito. (Daris Jose)

Other News
  • PRIVATE MOTOR VEHICLE INSPECTION SYSTEM (PMVIS) at CHILD RESTRAIN SYSTEM – para ba talaga sa kaligtasan o para lang sa bulsa ng iilan?

    Bubusisiin ng Kongreso and dalawang kontrobersyal na hakbang na para raw sa kaligtasan ng mga motorista. Salamat at napakinggan ng ating mga mambabatas ang panawagan na suspindihin ang implementasyon ng Child Restraint System (CRS) at Private Motor Vehicle Inspection System (PMVIS). Nanawagan din ang Pangulo mismo na huwag muna ipatupad ang Child Safety in motor […]

  • Bulkang Taal itinaas sa Alert Level 2 dahil sa ‘increasing unrest’

    Matapos ang halos isang taon, iniakyat muli ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal matapos ang serye ng papatinding ligalig magmula pa noong nakaraang buwan.     Umabot na sa 866 shallow volcanic tremor episodes at 141 low-frequency volcanic earthquakes ang ipinamamalas ng bulkan magmula pa noong ika-13 […]

  • DILG, pinaigting ang anti-drug ops sa gitna ng mataas na paggalaw sa ilang lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1

    NAKITA ng mga tagapagpatupad ng batas ang makabuluhang pagtaas sa volume ng nasabat na ilegal na droga sa isang operasyon noong nakaraang linggo sa gitna ng tumaas na paggalaw sa maraming lugar sa ilalim ng “most relaxed” Alert Level 1.     Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año […]