Crime rate sa Metro Manila, bumaba ng 17% – PNP
- Published on February 2, 2022
- by @peoplesbalita
INIULAT ng Philippine National Police na bumaba ng 17 porsiyento ang crime incidents sa National Capital Region mula November 2021 hanggang Enero 2022.
Ayon kay PNP spokesperson P/Col. Jean Fajardo, ang pagbaba ng crime incidents mula Nob. 20, 2021 at hanggang Enero 23, 2022 ay indikasyon ng maigting na kampanya ng PNP laban sa iba’t ibang krimen sa bansa.
Kabilang sa mga tinututukang crime incidents sa Metro Manila ay physical injuries, theft at robbery.
Sa katunayan ang pagbaba ng mga kaso sa NCR ay nakita rin sa ilang rehiyon sa bansa.
Walong kaso ang tinutukan ng PNP na kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, motorcycle theft at carnapping.
Posibleng nakatulong sa pagbaba ng crime incidents ang ipinatutupad na quarantine restrictions sa COVID-19.
Gayunman, tiniyak ni Fajardo na hindi magiging kampante ang PNP lalo pa at papalapit ang halalan.
-
Gastos ni ex-PRRD para makadalo sa EJK probe handang sagutin ng House Quad Comm leaders
PAYAG ang mga lider ng Quad Committee ng Kamara de Representantes na sagutin ang gastos sa pamasahe at akomodasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dumalo lamang ito sa pagdinig kaugnay ng mga kaso ng extrajudicial killing sa kanyang war on drugs campaign. Handa umanong magpatak-patak sina Quad Comm overall chair Robert Ace Barbers, […]
-
Anthony Davis, sumabak na uli sa ensayo; makakasama rin ng Lakers sa seeding games opener vs Clippers
Makakasama na ng Los Angeles Lakers si superstar Anthony Davis sa kanilang seeding games opener kontra sa karibal nilang Los Angeles Clippers. Una rito, hindi nakasama si Davis sa ensayo ng Lakers nitong nakalipas na araw matapos ang natamo nitong eye injury sa isa sa mga scrimmage ng koponan. Pero ngayong bisperas ng […]
-
Marcos Jr: Tiyaking may kasamang mga gamot ang relief package
PINATITIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos nitong Martes ang pagbalangkas ng standard operating procedure (SOP) para sa pagsasama ng mga gamot sa mga relief package sa oras ng kalamidad at emergency. Ayon sa Pangulo, ilang araw pagkatapos ng isang kalamidad, ang mga apektadong indibidwal ay naghahanap ng mga over-the-counter na gamot katulad ng […]