3 TNT staff pinagmulta
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
TATLONG staff ng Talk ’N Text ang pinagmulta matapos lumabag sa dress code ng Philippine Basketball Association (PBA).
Pinadalhan ni PBA commissioner Willie Marcial ng sulat sina Ricardo Santos, Bong Lozano at Bong Tulabot kung saan pinagmulta ang bawat isa ng P1,000.
Napag-alaman na naka-shorts lamang sina Santos, Lozano at Tulabot sa laban ng TNT Tropang Giga at NorthPort Batang Pier sa Angeles University Foundation gymn sa Pampanga.
Ayon kay Marcial, malinaw na paglabag ito sa dress code ng liga.
“You were observed wearing shorts while on duty as TNT personnel. This is in violation of the PBA dress code,” ani Marcial.
Binalaan ni Marcial ang opisyales ng lahat ng teams na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusuot ng shorts sa mga aktuwal na laro.
“We would like to remind that PBA coaches and all other team personnel must not be seen wearing shorts during games,” ayon pa kay Marcial.
Mas magiging mabigat ang parusa ng liga sa oras na muling lumabag sina Santos, Lozano at Tulabot. “Let this serve as a warning that a repetition of the same shall merit a heftier fine,” pagtatapos ni Marcial.
-
Natuklasang dalawang biyahero na nasa Pinas na may omicron variant, nasa quarantine facilities na –Nograles
KAPWA nasa quarantine facilities na ang dalawang byahero na tinamaan ng Omicron variant. Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ipinaalam na sa Office of the President ang dalawang kaso ng Omicron variant na natuklasan ngayon sa Pilipinas. “As earlier reported by the Department of Health, the variant was […]
-
NKTI emergency room, nasa full capacity na!
PINAYUHAN ng pamunuan ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang publiko na humanap na muna ng ibang pagamutan matapos na umabot na sa full capacity ang kanilang emergency room. Sa isang advisory na pirmado ni Dr. Rose Marie Rosete-Liquete, ng NKTI punung-puno na ang pagamutan ng mga dialysis, leptospirosis at COVID-19 patients. […]
-
MGA SANGKOT NA PERSONALIDAD at BANK OFFICIALS KAILANGAN BANG PAPANAGUTIN sa PERWISYONG NARANASAN ng CAR OWNERS?
Hanggang ngayon ay hinaing pa rin ng mga car owners and pagka antala sa pagpapalabas ng mga plaka ng LTO sa mga sasakyang nairehistro mula 2013 hanggang 2018 kaya’t nabuo ang bansag na “Republika ng Walang Plaka”. Diumano ang isang malaking dahilan ng pagkaantala ay ang hindi makatarungang pag “freeze” ng pag-release ng […]