• January 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mungkahi ni Concepcion, i-require ang booster cards sa mga NCR establishments

IMINUNGKAHI ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na i-require sa mga customers ang pagpapakita ng COVID-19 booster vaccination cards sa pagpasok sa mga establisimyento sa Kalakhang Maynila.

 

 

Ang katwiran ni Concepcion, maaari na itong gawin sa National Capital Region lalo pa’y mayroon itong high vaccination rate.

 

 

Ginagawa na rin aniya ito sa Estados Unidos kung saan ang mga customers ay pinipilit na magpakita ng kanilang primary vaccination at booster cards.

 

 

“We should now enforce that this booster cards be shown,” ayon kay Concepcion sa Kapihan sa Manila Bay forum sabay sabing “You have to bring your vaccination card and your booster card.”

 

 

Tinatayang may 9.58 milyong indibiduwal sa Kalakhang Maynila ang fully vaccinated. Gayunpaman, may 2.46 milyong booster doses pa lamang ang naibibiigay.

 

 

May kabuuang 7.57 milyong booster doses ang naibigay sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Presidential adviser for COVID-19 response Vince Dizon na binibigyang diin ng pamahalaan sa pagsisikap nito na itaas ang bilang ng booster shot para sa “added wall of immunity.”

 

 

Layon ng pamahalaan na makapagbigay ng 72.16 milyong booster doses, kabilang na ang mga menor de edad na 12-17, sa pagtatapos ng second quarter ng 2022. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Customers na mababa ang konsumo hanggang Dec. 31, ‘di pwedeng putulan ng kuryente’ – ERC

    INATASAN ng Energy Regulatory Commission ang mga distribution utilities tulad ng Meralco na huwag munang putulan ng kuryente ang mga customer na mababa ang naging konsumo hanggang December 31, 2020.   “Distribution Utilities (DUs) are directed NOT to implement any disconnection on account of non-payment of bills until December 31, 2020 for consumers with monthly […]

  • Senator Jinggoy Estrada, kumambiyo sa ban sa K-drama

    NILINAW ni Senator Jinggoy Estrada na wala siyang balak maghain ng panukalang batas para ipa-ban ang mga ­Korean dramas sa bansa at nais lamang sana niya na unahin ang mga Filipino ­talents na tangkilikin upang magkaroon sila ng trabaho.     Inamin din ni Estrada na naihayag lamang niya ang kanyang saloobin tungkol sa mga […]

  • Ads December 2, 2024