RIDING-IN-TANDEM KALABOSO SA SHABU
- Published on February 4, 2022
- by @peoplesbalita
SA KULUNGAN ang bagsak ng dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu makaraang takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita nang parahin dahil kapwa walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang naarestong mga suspek na sina John Lester Lato, 19 at Vince Russell Fule, 20, kapwa ng San Jose Delmonte, Bulacan.
Base sa report ni PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-5:30 ng hapon, nagsasagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng Tamaraw Hills, Brgy., Marulas, ang mga tauhan ng Sub-Station 3 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Tessie Lleva nang parahin nila ang mga suspek dahil kapwa walang suot na helmet habang magkaangkas sa isang motorsiklo.
Sa halip na sumunod, pinaharurot ng mga suspek ang motorsiklo na naging dahilan upang habulin sila nina PCpl Reymon Evangelista at Pat John Noe Martirez hanggang sa maaresto kung saan napag-alaman na walang driver license si lato.
Nang kapkapan, narekober sa mga suspek ang tig-isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P3,400 ang halaga, isang weighing scale at itim na motorsiklo na may susi.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165, Art 151 of RPC (Resistance and Disobedience), RA 10054 (Motorcycle Helmet Law of 2009) habang dagdag na ksaong paglabag sa Sec. 19 of RA 4136 (Failure to Carry Drivers License) ang kakarapin ni Lato. (Richard Mesa)
-
MGA BUNTIS NA MEDICAL FRONTLINERS PUWEDENG MABAKUNAHAN
PUWEDENG mabakunahan ang mga “buntis” na medical frontliners na may high risk exposure sa COVID-19 . Ito ang nilinaw ng Department of Health (DOH) at sinabing basta’t may clearance mula sa kanilang mga doctor o physician. Gayundin ang mga senior citizen na frontliner ay maaari ring mabakunahan kontra COVID-19. Ayon sa DOH, […]
-
Ads August 30, 2022
-
PBBM sa mga pinoy, alalahanin ang mga biktima ng bagyo ngayong Pasko
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Filipino, araw ng Lunes na alalahanin ang mga biktima ng bagyo at paghihirap ng mga ito ngayong Kapaskuhan. “Sana naman pagkadating ng Pasko, tayong mga Pilipino, alalahanin natin ang ating mga kababayan na nasalanta,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. Inihayag ito ng Pangulo […]