Tonga magpapatupad ng lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19
- Published on February 4, 2022
- by @peoplesbalita
SASAILALIM sa lockdown ang Tonga matapos ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Prime Minister Siaosi Sovaleni na nagmula ang pagkalat ng virus sa dalawang empleyado ng pier at nahawaan na nila ang kanilang mga kaanak.
Isa ang Tonga sa nakakontrol ng virus kung saan noong 2020 ay agad nilang isinara ang border kaya nanatiling virus-free ito.
Sinasabing nagmula ang virus sa Nuku’alofa ng dumating ang mga tulong mula sa ibang bansa.
Kasalukuyan kasing nagre-recover ang nasabing bansa mula sa pagsabog ng underwater volcano nitong Enero.
-
Dating Unang Ginang Imelda Marcos, gustong sumama sa kanyang anak na si PBBM sa Hawaii trip nito
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nais ng kanyang ina na si dating Unang Ginang Imelda Marcos na sumama sa kanyang working visit sa Hawaii. “Oh yes, oh yes she would. She would love to have come just to see all of the people. If she cannot travel, sabi ko nga kay […]
-
Mayor Tiangco positibo sa Covid-19
000MALUNGKOT na ibinalita ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na positibo siya sa COVId-19 base sa kanyang RT-PCR test. Humihingi ng paumanhin ang alkalde sa lahat ng kanyang nakaharap noong nakaraang mga araw at nakikiusap na obserbahan nang mabuti ang kanilang kalusugan. Payo pa niya sa kanyang mga nakasalamuha, kung meron […]
-
133,000 family food packs, ipinadala sa Enteng affected areas -DSWD
IPINADALA na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 133,000 family food packs sa mga lugar na labis na tinamaan ng Tropical Storm Enteng. Iniulat ni DSWD Secretary Rex Gatchalian kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sa kasalukuyan ay pino-proseso na nila ang isa pang 100,000 family food packs. […]