• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Velasco, nanumpa sa harap ni Pangulong Duterte bilang Speaker ng Kamara

NANUMPA si Speaker Lord Allan Velasco bilang pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang pribadong seremonya na idinaos sa Rizal Hall ng palasyo ng Malacanang, Lunes ng gabi.

 

“Lubos po ang aking kagalakan at pasasalamat sa ating Pangulo na labis ko pong hinahangaan at iginagalang. Tinatanaw ko po ito sa kanya ng isang malaking utang na loob,” ani Velasco.

 

Ang panunumpa ni Velasco bilang Speaker ng Kamara ay kasabay ng kanyang pagdiriwang ng ika-43 taong gulang at isang buwan matapos na siya ay mahalal ng nakararaming mambabatas ng Kongreso bilang kanilang pinuno noong ika-12 ng Oktubre.

 

Nagpasalamat si Velasco kay Pangulong Duterte matapos tiyakin ng punong ehekutibo na ang napagkasunduang term-sharing sa speakership na kanya mismong isinulong noong nakaraang taon ay matutupad.

 

Nangako naman si Velasco na ipa-prayoridad niya sa Kamara ang mga adyenda ng lehislasyon ng Pangulo. Sinabi niya na tutuparin ng Kamara ang panawagan ng punong ehekutibo na tapusin ang sistematikong katiwalian sa pamahalaan at pangangalagaan ang mga interes at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, magsasaka at mangingisda.

 

“Tinitiyak ko sa Pangulo na maasahan niya ang Kongreso sa ilalim ng aking liderato na tulungan siya na matupad ang kanyang mga ipinangako sa sambayanang Pilipino bago matapos ang kanyang termino bilang Pangulo ng bansa sa taong 2022,” ani Velasco.

 

Bilang ika-27 Speaker ng Kongreso, ipinangako ni Velasco na kanyang gagawin ang lahat ng kanyang makakaya upang magkaroon ng katuparan ang kanyang pangarap para sa isang “matatag, inklusibo at nagkakaisang Kamara.”

 

“Sama-sama at tulong-tulong kami ng ating mga mambabatas sa Kongreso na makapagsabatas ng mga panukala na napapanahon at tumutugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan, at gawin ang Kamara bilang tunay na kinatawan ng sambayanang Pilipino,” aniya.

 

Nauna nang nanumpa sa kanyang tungkulin si Velasco sa harap ni barangay chairman Allan Franza ng Matandang Balara, Lungsod ng Quezon matapos siyang mahalal bilang Speaker sa sesyon sa labas ng Kamara, na ginanap sa Celebrity Sports Plaza noong ika-12 ng Oktubre.

 

Kinabukasan, pinagtibay ng mahigit na 200 mambabatas sa Kamara ang halalang naganap, sa bulwagan ng Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon. (Ara Romero)

Other News
  • Nasa South Korea para sa upcoming ‘Charity Exhibition fight’: MANNY, nag-guest sa original na ‘Runnning Man’ at hindi sa Pinoy adaptation

    NAPABALITANG maggi-guest si dating Senator at Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa “Running Man Philippines” na adaptation ng Korean variety show.       Every weekend kasi na napapanood sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Castro, Angel Guardian, Lexi Gonzales at Buboy Aguilar, lagi rin silang may special guests sa show, kaya hindi kataka-takang mag-guest ang boxing […]

  • Manila Muslim Cemetry, nilagdaan na ni Isko

    PUMIRMA ng ordinasa si Manila Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso para sa pagpapatayo ng isang sementeryo para sa mga namatay na Muslim na residente ng Maynila sa Manila South Cemetary.   Sa ilalim ng Ordinasa No. 8608, tinawag nitong Manila Muslim Cemetary na may inilaan na P49,300,000 para sa pagpapaayos ng isang bagong […]

  • Simona Halep pasok na sa semifinals ng Wimbledon

    PASOK na sa semifinals round ng Wimbledon si Simona Halep matapos ma-sweep si Amanda Anisimova.     Hindi na pinaporma pa ng Romanian tennis ang American player sa score na 6-2, 6-4.     Sa unang set ay hawak pa ni Anisimova ang kalamangan 0-4 hanggang ito ay tuluyang mahabol ni Halep at tapusin ang […]