Portugal niluwagan na ang travel restrictions ng mga pasahero na bumibisita sa kanilang bansa
- Published on February 8, 2022
- by @peoplesbalita
NILUWAGAN ng Portugal ang kanilang travel restrictions para sa mga pasahero na nagtutungo sa kanilang bansa.
Lahat aniya ng mga European COVID-19 certificates, EU digital pass o ibang mga kinikilalang vaccine passes ay hindi na kailangang magpakita pa ng negatibong test result sa pagpasok sa bansa.
Ang EU COVID-19 certificates kasi ay nagpapatunay na ang pasahero ay fully vaccinated na at tested negative o gumaling na sa COVID-19 infections sa loob ng anim na buwan.
Ipinatupad ang hakbang matapos na irekomenda ng European Council ang pagpaparehas na ng travel rules na hindi na gaanong hihigpitan ang mga fully vaccinated na pasahero.
Ang hakbang ay ipinatupad kahit na patuloy ang pagtaas ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa nabanggit na bansa.
-
BLACK CAP PICTURES LAUNCHES OFFICIAL POSTER OF MIKHAIL RED’S THRILLING ESPORTS MOVIE “FRIENDLY FIRE”
GAME on as Mikhail Red’s coming-of-age film “Friendly Fire” launched its official poster , and it’s giving a hip and energetic vibe! “Friendly Fire” stars Loisa Andalio as Hazel Sales, a female amateur gamer who plays the shooter game Project: Xandata and embarks on a journey of self-discovery. Discovered and recruited by Sonya Wilson […]
-
2 TULAK TIMBOG SA HIGIT P.6M SHABU
MAHIGIT sa P.6 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak umano ng illegal na droga na naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities. Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-12:50 ng Miyerkules ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa […]
-
Para sa typhoon-impacted communities: South Korea, nagbigay ng P30M sa Pinas
NAGBIGAY ang South Korean government ng P30 milyon bilang kontribusyon sa Pilipinas para magkaloob ng “critical cash assistance” sa mga typhoon-impacted communities habang ang bansa ay matapang na hinaharap ang marami at sunod-sunod na severe weather disturbances ngayong buwan, ayon sa United Nations World Food Programme (WFP). Ang pondo ay idinaan sa pamamagitan ng […]