• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TikTok user na nagbantang papatayin si presidential aspirant Bongbong Marcos, sumuko sa NBI

KINUMPIRMA ngayon ng Department of Justice (DoJ) na sumuko kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang may-ari ng TikTok account kung saan inupload ang video na nagbabantang papatayin si presidential aspirant Bongbong Marcos.

 

 

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, boluntaryo umanong sumuko kahapon ang subject sa NBI.

 

 

Sa ngayon, hindi pa idinetalye ng NBI ang pagkakakilanlan ng subject para sa kanyang seguridad.

 

 

Inabisuhan na rin daw itong maghanap ng counsel na aalalay sa kanya habang patuloy na iniimbestigahan ang naturang isyu.

 

 

Una rito, sinabi ng tagapagsalita ni Marcos na nakausap na niya si NBI Deputy Director Vicente De Guzman III at kanyang napag-alaman mula rito na ngayon ay aasikasuhin at kikilalanin din ang sumukong indibidwal at aalamin din kung gaano kalalim ang pananakot na ginawa nito.

 

 

Nauna nang kinumpirma ni Guevara na nakatanggap nga ng online tip ang Office of Cybercrime ang Department of Justice hinggil sa umano’y planong pagpatay sa senador.

 

 

Sinabi ng kampo ni Marcos na mismong ang Office of Cybercrime ang siyang nagtutulak na maipagpatuloy ang imbestigasyon sa Tiktok video na nagsasabi na may nagpupulong daw araw-araw para pagplanuhin ang pagpaslang kay Marcos Jr.

 

 

Ang usapin ay iniimbestigahan na rin ng Philippine National Police (PNP).

Other News
  • Disney’s Live-Action ‘Pinocchio’ Trailer Reveals the Wooden Boy / James Cameron’s Remastered Version of ‘Avatar’ Returns to Philippine Cinemas

    DISNEY’S live-action adaptation of Pinocchio has dropped a new trailer, and it finally gives us a good look at the iconic character from the classic Disney film.     Watch the new trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=hL5SSIRBatk     After Beauty and The Beast, Mulan, Lion King, and Aladdin, the beloved tale of Pinocchio is next to […]

  • Clinical trials walang garantiyang mauuna ang PH sa bakuna vs COVID

    Walang kasiguraduhang unang makakakuha ang bansa sa bakuna kontra coronavirus disease 2019 o COVID-19 kahit pa may partisipasyon nito sa mga gagawing clinical trials. Ayon kay Department of Science and Technology Council for Health Research Development executive director Jaime Montoya, nakatanggap na sila ng paunang datos sa bakunang binuo ng Russia at inaasahang malalaman ngayong […]

  • Kailangan lang na maging masaya muna: XIAN, hindi na sinagot ang ibang personal na tanong

    NANANATILING Kapamilya si Jameson Blake na nasa pangangalaga pa rin ng Star Magic ng ABS-CBN.   May bago siyang serye pero hindi pa niya puwedeng i-reveal ang mga detalye tungkol dito.   Lahad ni Jameson, “It’s still under discussion pa. Pero yun, I’ll be doing a teleserye soon with ABS-CBN. I’m also doing another film.   […]