• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PUBLIKO, BINALAAN NG DIOCESE OF NOVALICHES LABAN SA SCAMMER

NAGBABALA ang Diyosesis ng Novaliches sa mga mamamayan  kaugnay sa scammer na nagpapakilalang seminarista upang makakuha ng mga donasyon.

 

 

Sa inilabas na pahayag ng diyosesis umiikot sa komunidad ng Commonwealth sa Quezon City partikular sa Kristong Hari Parish at Parokya ng Mabuting Pastol ang nagpakilalang John Michael Castillo upang humingi ng tulong pinansyal para sa ordinasyon.

 

 

Mariing itinanggi ng diyosesis ang pagkilanlan ni Castillo at hinikayat ang mamamayan na maging mapagmatyag at ipagbigay-alam sa kinauukulan ang kinaroroonan upang mapigilan ang panloloko.

 

 

“Siya [John Michael Castillo] ay HINDI seminarista ng ating Diyosesis [Novaliches]; kung sakaling magpunta siya sa inyong komunidad, mainam na ipagbigay alam po kaagad natin sa barangay o pulisya,” bahagi ng panawagan ng diyosesis.

 

 

Maraming beses nang nagbigay babala ang simbahan hinggil sa suspek na gumagamit ng iba’t ibang pangalan para makapanloko sa kapwa gamit ang simbahang atolika.

 

 

Sa ulat na natanggap ng  diyosesis humihingi si Castillo ng donasyon para sa ordinasyon sa Marso.

 

 

Umiikot din ang suspek sa iba pang diyosesis lalo na sa Metro Manila sa kaparehong dahilan.

 

 

Mariing pinaalalahanan ng simbahang katolika ang mananampalataya na mag-ingat sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ng simbahan, cardinal, obispo o mga pari sa pangangalap ng donasyon upang makaiwas sa scam.

 

 

Kung makatatanggap ng mga solicitation letters lalo sa online mangyaring makipag-ugnayan at beripikahin sa tanggapan ng parokya o sa diyosesis kung lehetimo ang sulat na natanggap. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Nagulat din na nagkaroon ng ‘unfollow issue’: JAMES, nilinaw na happy at sila pa rin ni ISSA

    MALINAW na officially, sina James Reid at Issa Pressman pa rin.     At si James mismo ang sumagot sa tanong namin kung happy pa rin sila ni Issa.     Positibo ang sagot ni James at gets din niya agad na kung dahil daw ba do’n sa unfollow issue.     Kuwento ni James, […]

  • Ads November 30, 2022

  • Pinoy boxer Eumir Marcial umaasa pa rin ng suporta sa ABAP sa pagtungo nito sa US

    HINDI pa tiyak ni Philippine national boxer Eumir Felix Marcial kung suportado ito ng Association of Boxing Alliance in the Philippines (ABAP) sa pagsisimula na ng kaniyang ensayo para sa mga professional fights.   Nasa US na kasi si Marcial kung para makipagkita kay boxing coach Freddie Roach, at American matchmaker Sean Gibbons.   Nais […]