• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

12 drug suspects timbog sa buy bust sa Caloocan, Malabon, Valenzuela at Navotas

ARESTADO ang labing dalawang hinihinalang drug personalities sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan, Malabon at Valenzuela at Navotas Cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, alas-4:15 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Deo Cabildo ng buy bust operation sa Pili St., Brgy., 178 na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang High Value Individual (HVI) na sina Rommel Bobiles alyas “Dyosa”, 33 at Michael Ayuson, 38.

 

 

Nakumpiska sa kanila ang tinatayang nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P340, 000.00 at buy bust money na isang P500 bill at 40 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Dakong alas-3:25 naman ng madaling nang masakote ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Albert Barot sa buy bust operation sa P. Aquino Avenue, harap ng Paradise Village Brgy. Tonsuya sina JC Christopher Dagoy, 35, Sarah Jane Malate, 31, at Alfredo Cruz Jr, 32.

 

 

Narekober sa mga suspek ang tinatayang nasa 18 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price Php122, 400.00 at P500 marked money.

 

 

Sa Valenzuela, alas-5 ng madaling araw nang madakma ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Doddie Aguirre sa buy bust operation sa BSOP Bukid, Brgy., Karuhatan sina Vincent Guzman alyas “Bunso”, 19 at Jumer Guzman y, 31.

 

 

Ani PCpl Christopher Quiao, nakuha sa kanila ang tinatayang nasa 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200, P300 marked money, P140 cash at dalawang cellphones.

 

 

Nauna rito, natimbog din ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni PLTJoel Madregalejo sa buy bust operation sa Bukid ext. Brgy., Balangkas alas-2 ng madaling araw sina Francisco Espinosa alyas “Bobo”, 53, at Dean Oliver Jeciel, 27.

 

 

Sinabi ni PCpl Pamela Joy Catalla, narekober sa mga suspek ang nasa 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P47,600, P500 buy bust money, P700 cash at cellphone.

 

 

Nakuhanan naman ng nasa 1.2 grams ng hinihinalang shabu na nasa P8,160 ang halaga sina Jyette Railey Avila alyas “Dayet”, 18, Jacqueline Espinosa, 35, online seller, at 17-anyos na binatilyo matapos madakip sa buy bust operation ng Navotas Police SDEU sa Tawiran 5, Brgy. Tansa 1, Navotas City dakong alas-5:10 ng madaling araw. (Richard Mesa)

Other News
  • Pinaghahandaan na ang talent portion ng pageant: MARKKI, magri-represent ng Pilipinas sa Mister Universe 2024

    KAHIT higit na sa isang taon noong unang umere ang mega-series na ‘Voltes V: Legacy’, patuloy ang pagtanggap ng parangal nito.       Natanggap kamakailan ng VVL ang Special Citation for Anime Live Action mula sa Otaku Choice Awards 2024.       “We would like to congratulate once again ‘Voltes V: Legacy’ for […]

  • DepEd, lumikha ng task force para suriin ang SHS program

    NAG-ORGANISA ang  Department of Education (DepEd) ng  national task force na susuri sa implementasyon ng senior high school (SHS) program.     Base sa memorandum na nilagdaan ni  DepEd Undersecretary Gina Gonong na may petsang Mayo 11, ang task force ay nilikha  “to address the emerging challenges in the implementation of the SHS program in […]

  • Bona, Salome at Ma’ Rosa, pinagsama-sama sa ‘Pieta’… ALFRED, natupad na ang pangarap na makasama sina NORA, GINA at JACLYN

    LAST week ipinasilip na ni QC Councilor Alfred Vargas sa kanyang Instagram at Twitter post ang character na ginagampanan niya sa ‘PIETA’ na kanyang ipo-produce at mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.   Caption ng aktor, “A first glimpse of ISAAC, recently released from jail after decades of painful incarceration. Denied of justice for […]