Concepcion, muling itinulak ang Alert Level 1 sa NCR para sa susunod na buwan
- Published on February 14, 2022
- by @peoplesbalita
MULING inulit ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang panukala nito na ide-escalate ang quarantine status sa National Capital Region sa mas mababang Alert Level 1.
Layon nito na palakasin ang economic recovery ng bansa.
“We recommended moving to Alert Level 1, sana by March. Matagal na ang sitwasyon na on-and-off ang ating ekonomiya,” ayon kay Concepcion.
“Dapat Alert Level 1 na tayo. Nakikita natin per trajectory talagang bumababa na ang mga kaso, bumabagsak na siya. Dito sa NCR at iba pang lugar sa bansa na mababa na talaga ang kaso ng COVID-19, dapat ilagay na sa Alert Level 1 o new normal,” dagdag na pahayag nito.
Nito lamang nakaraang linggo, sinabi ng OCTA Research na ang kaso ng COVID-19 ay bababa ng 1,000 sa buwan ng Marso.
Ani Concepcion, kung ang Kalakhang Maynila ay ibababa sa Alert Level 1 sa Marso, ang first quarter gross domestic product ng bansa ay lalago ng 6%.
Ang gross domestic product ng Pilipinas ay tumaas ng 7.7% sa fourth quarter ng 2021, dahilan para maging 5.6% ang full-year growth.
Sinabi naman ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na mas gagaan ang NCR sa susunod na buwan, “which could translate to over P11 billion in income, and over 191,000 jobs to the economy.”
Ang Kalakhang Maynila ay na- upgrade sa Alert Level 3 noong Enero 3, 2022, at kalaunan ay na-downgrade sa mas pinagaan na Alert Level 2 simula noong Pebrero 1, 2022.
Ipinanukala ni Concepcion na bawasan ang five-level COVID-19 alert system sa tatlo, at kailangan na gumana gaya ng tropical cyclone warning system.
Aniya, ang panukalang alert level system ay ilalagay lamang kapag mayroong surge ng Covid-19 cases. (Daris Jose)
-
Plano kontra COVID-19, ilalatag ng PBA
NAKATAKDANG bumuo ang Philippine Basketball Association ng plano para tugunan ang pinakahuling kumpirmasyon ng mga panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa loob at labas ng bansa. Kabubukas pa lang nitong Linggo ng 45th season ng liga sa Araneta Coliseum sa Quezon City kung saan tinambakan sa unang laro ng defending champion San […]
-
Pagpapalabas ng P1.5B augmentation funds para sa mga LGUs na matinding sinalanta ng bagyong Ulysses
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang P1.5 billion na augmentation funds para sa local government units (LGUs) na matinding tinamaan ng bagyong Ulysses. Sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na hiwalay ang P1.5 billion augmentation fund sa ibinigay na pondo para sa CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol, mga rehiyon na sinalanta naman ng mga bagyong […]
-
Panalo ni Mayor Lacuna Kasabay ng Ika-450 Taong Araw ng Maynila
KASABAY ng pagdiriwang ng ika-450 taon anibersaryo ng pagkakatatag sa lungsod ng Maynila ay ang pag-upo ng kauna-unahang babae at doktor na Alkalde sa kabisera ng bansa. Si Vice Mayor at Mayor elect Dra. Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, na kauna-unahang babae at doktor na Alkalde sa lungsod ng Maynila ay magsisimulang manungkulan sa […]