• February 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapalabas ng P1.5B augmentation funds para sa mga LGUs na matinding sinalanta ng bagyong Ulysses

INAPRUBAHAN ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang P1.5 billion na augmentation funds para sa local government units (LGUs) na matinding tinamaan ng bagyong  Ulysses.

 

Sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na hiwalay ang  P1.5 billion augmentation fund sa ibinigay na pondo para sa CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol, mga rehiyon na sinalanta naman ng mga bagyong Quinta at  Rolly.

 

“Katulad din po sa Typhoon Quinta and Rolly, aside from the P1.5 billion, meron din pong buffer na P500 million para po kung meron pang mga LGU na hindi naisama sa report, mabibigyan din po sila,” ayon sa Kalihim na ang tinutukoy ay ang nga lugar na apektado ng bagyong Ulysses.

 

Ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay Sec. Avisado na ipalabas ang pondo sa  LGUs.

 

“If the papers have been released already pending my signature, you can release. I will sign it now,” aniya pa rin.

 

Sinabi pa ng Kalihim na ang pera ay agad na ipalalabas ng Bureau of Treasury, ngayong araw ng Martes.

 

Napaulat na dahil sa bagyong Ulysses ay may  73 katao ang namatay habang milyong katao naman ang nailikas ayon sa national disaster management council. (Daris Jose)

Other News
  • Jose, gaganap na kapatid niya: VIC, babu na muna sa pagiging ‘daddy’ sa bagong sitcom

    BABU muna si Bossing Vic Sotto sa pagiging ‘daddy’ sa papel niya bilang si Boss EZ sa ‘Open 24/7’ ng GMA.     “Ang pinaka-role ko rito ay kung papaano makiki-interact  sa dalawang generations; millennial at yung mga Gen Z.     “Alam naman natin na iba na ang mga pananaw ng mga kabataan ngayon […]

  • Senador inaaral ang dagdag sweldo kasunod ng P33k minimum wage calls sa gov’t workers

    PANAHON na raw upang i-review ang posibilidad ng dagdag sweldo para sa mga kawani ng gobyerno ayon kay Sen. Ramon “Bong” Revilla, ito habang nananawagan ng umento ang mga manggagawa dahil sa nagtataasang presyo ng bilihin.     Natataon ang  pahayag ni Revilla sa pagtungtong ng inflation rate sa 7.7% nitong Oktubre 2022, ang pinakamabilis […]

  • Magkamukha raw kaya papasa na magkapatid: YASMIEN, fan na fan na ni BEA bago pa mag-artista

    MASAYA ang isinagawang red-carpet screening and mediacon para sa upcoming Philippine adaptation ng Korean-drama na “Start-Up PH” sa Robinsons Galleria Cinema 2, dahil maraming kuwento ang mga bumubuo ng cast na most of them, ngayon lamang nagkatrabaho.       Si Yasmien Kurdi ang unang nagkuwento ng tungkol sa pagiging fan daw niya ni Bea Alonzo […]