• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 30) Story by Geraldine Monzon

SA KAUNA-unahang pagkakataon ay nakausap ni Angela si Andrea sa cellphone nang i-dial ng huli ang numero ni Janine. Hindi maintindihan ni Angela kung bakit tila may kakaibang hatid sa kanya ang boses ni Andrea habang pinakikinggan niya ito. Pero naisip niya siguro ay na-miss lang niya ang tinig ni Janine kung kaya’t nasiyahan siyang marinig ang boses ng itinuturing nitong matalik na kaibigan.

 

“Hindi ka naman nakaistorbo Andrea. Pero sana sinilip mo na si Janine para nakapagpaalam ka sa kanya ng maayos.”

 

“Hindi ko po kaya ma’am…ayoko pong mamaalam sa kanya…hindi ko pa po natatanggap na iniwan na niya ako…na wala na akong makakausap…wala ng tatawag sa akin at wala na rin akong tatawagan…wala ng magsasabi sa akin na ngumiti lang ako palagi…”

 

“Huwag kang mag-alala Andrea, mula ngayon pwede mo pa ring tawagan si Janine…ako na ang sasagot ng tawag mo para sa kanya…pwede mo akong kausapin tulad sa paraan na kung paano mo siya kinakausap.”

 

Nabigla si Andrea.

 

“T-talaga po?”

 

“Tulungan natin ang isa’-t-isa na matanggap ang maaga niyang paglisan. Sabay tayong ngumiti sa mga naiwan niyang alaala.”

 

“Ang totoo po niyan, first time pa lang naming magkikita sa personal noong linggo na ‘yon…kaso wala na pala siya…”

 

Hindi mapigilan ni Andrea ang mapaiyak.

 

“Gano’n ba, o huwag ka nang umiyak.” ani Angela kahit maging siya man ay naiiyak din.

 

“Pero naisip ko po ngayon, kahit wala na si Janine, hindi pa rin niya ko hinayaan na mag-isa, sa pamamagitan mo po binigyan niya ako ng makakausap…ng bagong kaibigan.”

 

“Parehas lang naman tayo, ibinigay ka rin niya sa akin. Sige na, matulog ka na muna. Bukas ibibigay ko naman sa’yo ang personal number ko.”

 

“Salamat po Ma’am Angela, goodnight po! “

 

Masaya ang naging gising ni Angela kinabukasan na ipinagtaka ni Bernard.

Habang nag-aalmusal sila.

 

“Sweetheart, salamat naman at nakita kong nakangiti ka.”

 

“Iyon ang bilin ni Janine kaya kahit mahirap susubukan ko. Saka nga pala, nakausap ko si Andrea. Yung bestfriend ni Janine. Kahit alam niyang wala na ito, sinubukan pa rin niyang tawagan. “

 

“Talaga? Pero bakit hindi siya nagpunta sa wake ni Janine?”

 

“Kasi hindi raw niya kayang makita ang kaibigan sa ganoong kalagayan eh…at ang masakit pa ro’n, usapan pala nila na magkikita nung Sunday…first time sana nilang magkita sa personal.”

 

Hindi nakakibo si Bernard. Nalungkot din siya sa isiping iyon. Maging si Lola Corazon na nakikinig lang sa kanilang usapan ay nalungkot din.

 

Mula sa pag-o-overtime sa opisina, pauwi na si Bernard nang tumunog ang cellphone niya.

 

“Hello good evening, is this Bernard Cabrera?”

 

“Yes, speaking. Good evening, sino ‘to?”

 

“Waiter po ako sa Molato bar. Meron ditong babae na nagngangalang Regine. Lasing na lasing na po siya, nakabasag na nga po ng baso at bote. Ibinigay po niya ang number at name mo sir, ikaw daw ang tawagan namin para sunduin siya rito.”

 

“What?”

 

No choice si Bernard kundi daanan si Regine sa Molato bar.

 

“Bernard, sabi ko na nga ba darating ka!” tuwang sabi ni Regine sa lasing na boses. May hawak pa itong wine.

 

“Regine, ano ba ‘tong ginagawa mo sa sarili mo?”

 

“I’m just having fun. Gusto kong makalimutan ang mga problema ko.”

 

“And this is your way?”

 

“May naiisip ka bang iba pang paraan? If you want to travel with me, let’s go!”

 

“Maraming paraan Regine, but for now ihahatid na muna kita sa apartment mo.”

 

Sa kotse pa lang ay isinandal na ni Regine ang ulo niya sa balikat ni Bernard.

 

“I miss this moments we shared Bernard…”

 

Hindi umimik si Bernard.

 

Nang magsimulang gumapang ang kamay ni Regine sa hita ni Bernard ay agad iyong inalis ng lalaki.

 

“Stop it Regine!” saway niya rito.

 

Sa apartment ay inalalayan pa rin ni Bernard ang babae hanggang sa silid nito. Subalit nang maihiga na niya ito sa kama ay bigla nitong ikinawit ang kamay sa leeg niya kaya hindi siya makatayo.

 

“Bernard…we did it before…hindi naman siguro masama kung uulitin natin…kahit ngayong gabi lang…I just want to be happy tonight…with you, my Bernard…”

 

Inalis ni Bernard ang mga kamay ni Regine na nakakawit sa batok niya.

 

“Binata pa’ko noon at meron tayong relasyon. But now I’m a married man and I love my wife more than I love myself kaya hindi ko siya makakayang pagtaksilan.”

 

Dahil sa narinig ay tinulak ni Regine si Bernard.

 

“THEN GO! HINDI KO KAILANGAN ANG PAGMAMALASAKIT MO, GET LOST!”

 

Samantala.

Nagpupuyat naman si Jared sa paghahanap kay Andrea sa social media.

 

“Tsk, tsk, sayang bakit ba hindi ko rin naitanong ang surname niya…ang hirap tuloy hanapin sa dami ng Andrea sa mundo…hays, ayos lang, pag may tiyaga, may Andrea!”

 

“Hmmm…pero bakit nga kaya siya umiiyak do’n sa tabi ng puno? Mukhang mabigat ang pinagdaraanan niya. Di bale, sa oras na magtagpo ulit ang landas namin, I will be her knight in shining armor!” ani Jared na ang mga mata ay nakapokus sa monitor ng laptop.

 

Bela’s Restaurant.

Matapos ang duty sa kanyang trabaho, urong sulong si Jared na lapitan si Angela. Hanggang sa mapansin siya nito.

 

“Jared, may kailangan ka ba?”

 

“Ahm…wala naman po ma’am…meron po pala.”

 

“Ano ‘yon?”

 

Nag-aalangan pa rin si Jared sa gustong itanong kaya’t…

 

“A, eh…baka po ano…pwedeng makapag-advance?”

 

“Oo naman. Magsabi ka lang sa cashier natin.”

 

“Salamat po ma’am!”

 

Patalikod na sana si Jared nang pumihit ito pabalik at saka pa lang nasabi ang kanina pa nais itanong.

 

“Ah ma’am, may kilala ka po bang Andrea?”

 

“Andrea…bakit?”

 

“Nung nasa chapel pa kasi ang labi ni Nurse Janine, nakita ko siyang nakaupo sa tabi ng puno, tapos umiiyak, pinayungan ko pa nga po eh, nakuha ko ang name niya kaso hindi ko nakuha yung surname at number…naisip ko lang baka po kakilala nyo since malapit siya ro’n sa chapel that time…”

 

Naisip na ni Angela na posibleng si Andrea nga iyon. Pero saka na niya sasabihin kay Jared kapag may pahintulot na ni Andrea. Kailangan muna niyang ipagbigay alam ito sa dalaga.

 

Gabi.

Sa bahay na pinagsisilbihan ni Andrea. Pinagbuksan niya ng pinto ang among si Jeff. Nalanghap agad niya ang amoy tsiko nitong hininga.

 

“Andrea…dalhin mo ko sa room ko…” humahapay nitong sabi.

 

“O-opo sir…”

 

Kahit hirap na hirap ay inalalayan niya ang binata hanggang sa makarating sila sa kuwarto nito. Maingat niya itong inihiga sa kama. Paalis na siya nang muli siya nitong tawagin.

 

“Andrea…”

 

“Po?”

 

“Hubaran mo ko…”

 

(ITUTULOY)

Other News
  • Employers walang takas sa 13th month pay, business permit kakanselahin

    KAKANSELAHIN ang business permit ng isang employer sakaling mapatunayang nabigo itong ibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado.   Ito’y kapag naisabatas ang inihaing panukala nina ACT-CIS party-list Reps. Eric Yap, Jocelyn Tulfo at Niña Taduran. Pangunahing layunin ng House Bill 6272 na paghusayin pa ang 13th month pay compliance sa pamamagitan ng […]

  • Malakanyang, nakiramay sa pagpanaw ng beteranong broadcaster at dating press secretary na si Dong Puno

    NAGPAABOT ng pakikidalamhati at pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, kaibigan, at kasamahan sa trabaho ni dating Press Secretary Ricardo “Dong” Puno, Jr., na pumanaw, February 15, sa edad na 76.     “A lawyer by profession, Sec. Puno was a respected member of the media prior to and after serving under the administration of former […]

  • Philippine Sports Commission at National Collegiate Athletic Association , nakipagpulong sa opisyales ng Samahang Basketbol ng Pilipinas tungkol sa isyu ni John Amores

    Nakipagpulong ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga kinatawan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA), Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), para talakayin ang mga isyung bumabalot sa Jose Rizal University player na si John Amores.   Sa isang pahayag, inilarawan ito ng Phil. Sports Commission bilang isang “coordination meeting” habang patuloy na tinitingnan ng fact-finding […]