• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PANGANGAMPANYA, PARA LIMITAHAN ANG PANGANIB SA COVID

GUMAWA ng mga paghihigpit ang Comelec sa personal na pangangampanya upang limitahan ang panganib ng mga impeksyon sa COVID-19 sa panahon ng 2022 campaign period.

 

 

“Sa tamang panahon at sa tamang sirkumstansya, nakakakita tayo ng mga sitwasyon kung saan tama at kinakailangan na medyo pigilan ang mga iba’t ibang activities,” ayon kay Commission on Election Spokesman James Jimenez sa isang interview sa radio.

 

 

Biyernes nang sabihin ni  presidential at vice-presidential aspirants Senator Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III sa Comelec na dapat irekonsidera ang  Resolution 10732.

 

 

Sa resolusyon, ipinagbabawal ang mga aspirante na gumawa ng anumang gawaing may kinalaman sa pisikal na pakikipag-ugnayan sa panahon ng kampanya.

 

 

Gayunpaman, nangatuwiran sina Lacson at Sotto na ang pagbabawal ay “hindi praktikal” at “hindi pinag-isipang mabuti.”

 

 

Dagdag pa ni Sotto, hindi maaaring magpataw ang Comelec ng mga regulasyon sa kalusugan. Hindi rin nito maaaring ipagbawal ang mga aktibidad tulad ng mga selfie dahil bahagi ito ng Bill of Rights ng Konstitusyon.

 

 

“Sa tingin ko mali ‘yung ganong klaseng characterization kasi unang una, ‘yung implikasyon na sinasabi nila, na mali ‘yung paghaharang ng ganyan dahil nga violation ng right to free expression, tandaan natin na hindi lahat ng rights, absolute,” dagdag pa ni Jimenez

 

 

“‘Yung sa pagse-selfie, definitely ang itatanong mo diyan ay mas mahalaga ba ‘yung magpa-picture ka kaysa sa manatiling safe at walang sakit ‘yung mga taong nasa paligid mo?” giit ni Jimenez.

 

 

Ayon kay Jimenez, sa mga gustong mag report ng campaign violations ay maaring dumirekta sa Comelec.

 

 

Aniya, tutulungan sila ng poll body na mag-report nang ligtas, lalo na kapag natatakot sila sa paghihiganti ng isang politiko.

 

 

“Kung gusto mag-report, tutulungan namin na panatilihin ang kanilang anonymity, hindi natin ilalabas ang kanilang mga pangalan. Pero at some point, kung kailangan ng mag-file ng complaint, kailangan silang lumantad,” paliwanag pa ni Jimenez. (GENE ADSUARA)

Other News
  • D.O.T.S. nina DINGDONG at JENNYLYN, kauna-unahang GMA show na i-stream sa Netflix

    TIYAK na masaya ang mga netizens na sumusubaybay sa biggest Philippine adaptation ng Korean Drama na Descendants of the Sun sa kabila ng pandemic na nararanasan natin ngayon dahil sa magandang balitang natanggap nila mula sa GMA Network.   Dahil mapapanood na ang 65 episodes sa Netflix simula sa November 13.   Ang DOTS PH […]

  • Bulacan, ipakikilala ang kauna-unahang Singkaban Festival Digital Kings at Queens

    LUNGSOD NG MALOLOS – Ipakikilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office ang kauna-unahang mga kandidato para sa Singkaban Festival Digital King and Queen na maglalaban-laban para sa nasabing titulo sa Setyembre 11, 2021, 3:00 N.H. sa pamamagitan ng Google Meet.     Ayon kay Dr. Eliseo S. Dela […]

  • Kahit inabot ng 82 days ang lock-in taping: Direk GINA, nagpapasalamat na walang nagkasakit sa buong cast and crew

    ANG star builder na si Johnny Manahan a.k.a. Mr. M ang isa sa may kinalaman kung bakit nag-rebrand ang GMA Artist Center to Sparkle para sa taong ito.     Naniniwala kasi si Mr. M sa sipag at talento ng mga artists ng Kapuso network at malayo pa ang mararating nila.     “I would […]