Salamat sa inyong pagtitiwala
- Published on February 16, 2022
- by @peoplesbalita
LABIS pasasalamat ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa patuloy na pagtitiwala sa kanya matapos makakuha ng mataas na performance rating batay sa December 2021 survey ng Social Weather Stations (SWS).
“Nakakatuwa po ang patuloy na tiwala na ibinibigay ng ating mga kababayan sa aking kakayahan bilang senador. Nakakaalis po ng pagod ang masigasig na pagsuporta ng taumbayan sa mga aksyon at desisyon ng Senado na aking pinamumunuan. Maraming salamat po,” pahayag ni Sotto.
Si Sotto, tumatakbo sa pagka-bise presidente, ay nakalikom ng net satisfaction rating na +52 sa pinakahuling survey ng SWS noong Disyembre. Tinalo niya si Vice President Leni Robredo na may 23% at pumangalawa siya kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinagkakatiwalaang opisyal ng gobyerno sa bansa.
Nakakuha si Duterte ng net satisfaction rating na +60 habang bumagsak naman ang net satisfaction rating ni Robredo.
“Ang tiwala ng ating mga kababayan ay nagsisilbing inspirasyon sa aking kampanya para maging bise presidente ng ating bansa. Hindi madali ang laban na ito, pero kukuha ako ng lakas ng loob mula sa pagmamahal at suporta na ibinibigay sa akin ng aking mga kababayan,” ayon kay Sotto. (Daris Jose)
-
Take-off, landing at parking fees ng local carriers hinto muna
PANSAMANTALANG tatanggalin ng mga local carriers sa bansa ang take-off, landing at parking fees alinsunod na rin sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa malaking epekto ng 2019 coronavirus infectious disease (COVID-19) sa turismo ng Pilipinas. Sa isang punong-balitaan, sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) Gen. Manager Ed Monreal, ang hakbang na […]
-
Celtics star Jaylen Brown, minultahan ng $25-K dahil sa ‘throat-slashing’ gesture
PINATAWAN ng $25,000 na multa si Boston Celtics star Jaylen Brown matapos ang ginawang pagkumpas nitong paghiwa sa kaniyang leeg. Naganap ang insidente ng mag-dunk ito sa harap ni Detroit Pistons forward Isaiah Stewart. Matapos ang tila poster-dunk nito kay Stewart ay isinagawa niya ang “throat-slashing” gesture na hindi […]
-
Puri ng 6-anyos ‘binaboy’, 15-anyos na kapitbahay tiklo
HAWAK agad kahapon (Huwebes) ng mga awtoridad ang 15-anyos na binatilyong inireklamo para sa umano’y paghalay sa 6-anyos na kapitbahay sa Pasay City. Dinampot ng mga security guard ang binatilyo sa tinitirhan nitong condominium matapos ireklamo ng ina ng biktima Miyerkules ng gabi, ayon sa ulat ng Southern Police District. Bago ito’y natagpuan […]