• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Training ni Obiena sagot na ng PSC

WALA nang dapat alalahanin si pole vaulter Ernest John Obiena tungkol sa kanyang gastusin para sa paghahanda sa 2021 Olympic Games.

 

Inaprubahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanyang pondong gagamitin para sa mga lalahukang torneo hanggang sa 2021 Olympics na idaraos sa Tokyo, Japan sa Hulyo.

 

“The budget for EJ, from now up to the Olympics, has been approved, thankfully, generously, by the Philippine Sports Commission,” wika kahapon ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico. “We’re happy to announce that.”

 

Matapos angkinin ang gold medal sa 30th Southeast Asian Games noong Disyembre ay dumiretso ang 22-anyos na si Obiena sa training camp sa Formia, Italy bilang preparasyon sa 2021 Tokyo Olympics.

 

Sa anim niyang podium finishes sa walong nilahukang kompetisyon ay humakot ang 6- foot-2 Pinoy pride ng isang ginto, dalawang pilak at tatlong tansong medalya.

 

Ang nasabing gold medal ni Obiena ay nagmula sa 59th Ostrava Golden Spike competition sa Czech Republic sa kanyang itinalang 5.74 meters.

 

“His needs will all be met, despite the pandemic,” wika ni Juico kay O-biena, isa sa apat na Pinoy athletes na nakakuha ng tiket para sa 2021 Tokyo Games bukod kina gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial.

 

Muling sisimulan ni Obie-na ang kanyang training sa Pebrero.

Other News
  • Inamyendahang substitute bill sa kaunlaran at pagsusulong ng mga malikhaing industriya sa Pilipinas aprubado

    Inaprubahan ng House Special Committee on Creative Industry and Performing Arts sa Kamara, na pinamunuan ang substitute bill na naglalayong isulong at paunlarin ang mga malikhaing industriya sa Pilipinas.     Ang substitute bill ay para sa House Bill 4692, na iniakda ni Tarlac Rep. Victor Yap, HB 6476 ni Tarlac Rep. Carlos Cojuangco, at […]

  • Kampo ni Robredo pag-aaralan ang social media reports, allegations

    INIHAYAG ni Vice President at presidential candidate Leni Robredo na pinag-aaralan ng kanyang kampo ang mga ulat at alegasyon sa social media.     Si Robredo, na kasunod ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may 14 na milyong boto laban sa 30 milyong boto ng huli, ay naglabas ng pahayag habang pinasalamatan niya […]

  • Multi-Specialty Hospital, itatayo sa Clark, Pampanga

    SISIMULAN na  ngayong buwan ang pagtatayo ng bagong medical specialty center na magsisilbi sa Central at Northern Luzon.     Inanunsyo ni Health Secretary Teodoro Herbosa na handa na ang groundbreaking para sa itatayong Clark Multi-Specialty Hospital sa darating na Hulyo 17.     Ang nasabing ospital ay itatayo sa ilalim ng Executive Order No. […]