• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinagawang bahay, marami pang gustong baguhin: PIA, tututukan ang master bedroom na mala-penthouse suite ang aura

Winwyn Marquez sa pagsayaw sa TikTok.

 

Pinatunayan ni Winwyn na anak nga si Alma Moreno at namana niya rito ang husay sa pagsayaw, kesehodang may malaking tiyan siya.    Pinost niya ang TikTok video kunsaan sumayaw siya sa song na “23 Ape Drums x Ram Pam Pam” at nilagyan niya ito ng caption na: “Giling din onti si buntis! Good morning!”

 

Umani ng higit sa 2.5 million views, 215,400 likes, and 750 comments ang dance video ni Winwyn. Pinuri ng kanyang followers ang dance moves niya na kahit buntis ay puwedeng magawa.

 

Na-miss daw kasi ni Winwyn ang pagsayaw simula noong mabuntis siya. Thankful siya na nakakagalaw pa rin daw siya at hindi niya ini-expect na aabot ng million ang pinost niya dance video. Pero minsan lang daw niya ito gagawin.

 


      “I got tired after this so I won’t be doing it again soon, but it’s good that I was able to move a bit. I miss dancing,” caption pa niya sa kanyang Instagram Stories.

 

Baby girl pala ang pinagbubuntis ni Winwyn.

 

***

 

KAHIT na move-in ready na ang pinagawang bahay ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, hindi pa rin daw niya ito matitirhan dahil marami pa raw siyang ipapabago.

 

      “Mukhang matatagalan pa siya kaya hindi ako nagpo-post ng mga updates. May babaguhin pa ako sa construction niya. May mga i-improve pa ako.

 

 

Hindi naman ako nagmamadali pero I will keep you guys updated sa mga social media accounts ko, kung ano ‘yung magiging process, kung paano ko siya gagawin,” sey ni Queen Pia.

 

Sa katapusan ng taong ito nakaplano na ang paglipat ni Pia sa kanyang bagong bahay. Gusto niya ay handang-handa na ang bahay niya.

 

      “Gusto ko kasi talaga siyang pagandahin dahil first house ko ‘yon na pinaghirapan ko. Big check siya on my list na magkaroon ng sariling bahay,” diin pa niya.

 

Nais ni Pia na siya ang mamili ng mga ilalagay na furnitures at appliances. Pati mga isasabit na paintings at ang ilan pang mga dekorasyon na magpapaganda ng bahay niya.

 

Tututukan din daw ni Pia ang kanyang master bedroom dahil gusto niya na mala-penthouse suite ang aura ng kanyang bedroom. Kailangan nga naman na fit for a queen ang tinutulugan ni Queen Pia.

 

***

 

NANAWAGAN ang Hollywood actress na si Angelina Jolie sa US Congress na magpasa ng bagong bersyon ng Violence Against Women Act.

 

Nagsalita sa US Capitol si Jolie at kinondena niya ang pananahimik ng Kongreso sa karahasan sa mga kababaihan.
Under the Violence Against Women Act, dapat ay mabigyan ng medical at legal assistance ang mga kababaihan at batang biktima ng pang-aabuso. Nag-expire ang batas noong 2019.

 

Kaya ang panawagan ni Jolie na repasuhin o baguhin ang batas, pero matagal nang pending ito dahil sa pagtalakay ng Kongreso sa ibang issue.

 

Nai-share last year ng aktres na minsan na siyang naging biktima ng domestic violence at ayaw niyang mangyari iyon sa kapwa niya babae, lalo na kung may mga anak ito na nakakasaksi sa naturang bayolenteng pangyayari sa bahay.

Other News
  • PBA nakaabang sa listahan ng SBP

    Hinihintay na lamang ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang listahan ng mga players na iimbitahan para sa FIBA Asia Cup Qualifiers third window sa Pebrero.     Pinag-aaralan pa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) coaching staff sa pangunguna ni program director Tab Baldwin kung sino ang mga nais nitong isama sa Gilas […]

  • 500 Valenzuelanos nakatanggap ng tulong medical mula sa DSWD

    UMABOT sa 500 kwalipikadong Valenzuelano ang nakatanggap ng kanilang pinakahihintay na tulong medikal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at REX Serbisyo Center sa Valenzuela City Amphitheater.     Ang tulong medikal ay naging posible sa pamamagitan ng DSWD program Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Isang tulong para sa mga […]

  • PDP-Laban exec Evardone, inendorso ang presidential bid ni Leni Robredo

    INENDORSO ng isang mataas na opisyal ng ruling party PDP-Laban, araw ng Lunes ang presidential candidacy ni Vice President Leni Robredo base sa kuwalipikasyon na itinakda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte for para maging successor nito.     Naniniwala si Eastern Samar Governor Ben Evardone, nagsisilbi bilang PDP-Laban vice president for the Visayas, “virtually” ay […]