Hipon Girl, ire-repackage ni Wilbert para gawing ‘beauty queen’
- Published on February 16, 2022
- by @peoplesbalita
BUKOD kay Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz, pasok na rin si Herlene ‘Hipon Girl’ Budol sa lumalaking pamilya ng businessman/vlogger/internet personality na si KaFreshness Wilbert Tolentino.
Pumirma na si Hipon Girl, kaya si Wilbert na ang kanyang official business manager, following the footsteps of the popular online seller and PBB housemate Madam Inutz na talagang ginagastusan at binibigyan ng todo-effort ni KaFreshness.
Nakatanggap pa si Madam Inutz ng house and lot na worth P5M. Naging certified singer din ito dahil nagkasunod-sunod ang release ng kanyang singles na ‘Inutil’ (na naging most requested song sa leading FM stations), ‘Sangkap ng Pasko’, ‘Marites’ at ang latest na ‘Madam’.
Sa naging tagumpay ni Madam Inutz, malamang ito rin ang mangyayari kay Hipon Girl sa pangangalaga ni Wilbert, na sa totoo lang marami ang gustong magpa-manage lalo na ng mga internet personalities.
Kaya naman excited na rin si Hipon Girl sa mga mangyayari sa kanyang career dahil marami ng nakaplanong proyekto.
Ire-repackage din ang TV host/comedian ng bagong manager para maging isang beauty queen.
Kaya naman approve sa netizens dahil alam nilang nasa mabuti itong mga kamay.
May panawagan si KaFreshness Wilbert sa mga talent coordinators at agents na since never naman siya kumukuha ng commission sa talents niya tulad ng ibang managers.
Kaya pwedeng-pwede silang mag-book at magbigay ng product endorsements kina Madam Inutz at Hipon Girl, dahil 10 to 20% comission ang pwedeng makuha.
Kaya sa mga agents and talent coordinators na gusto ng additional income, pwedeng mag-text sa 09175468845 para mabigyan ng email address kung saan sila pwede mag-send ng proposal.
(ROHN ROMULO)
-
Gilas hinihintay pa ang approval ng IATF para sa kanilang bubble training
HINIHINTAY pa ng Gilas Pilipinas ang go-signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Disease na payagan silang magsagawa ng bubble training camp sa Calamba, Laguna sa buwan ng Nobyembre. Ito ay bilang paghahanda sa pagsabak nila sa FIBA Asia Cup Qualifiers. Kahalintulad din ito ng ginawa ng TNT Tropang Giga bago ang […]
-
DOTr: PNR Clark Phase 1,2 pinabibilis ang konstruksyon
Ang Philippine National Railways (PNR) Clark Phase1,2 project ay inaasahang matatapos ayon sa schedule matapos na ipagutos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na pabilisin ang konstruksyon nito. “We have a lot of catching to do with so little time left. I want to have this project benefitted a lot of […]
-
Hinaing ng sportsman, businessman ng Rizal (Unang bahagi)
MATAGAL-TAGAL na ring kilala ng TP si Adi delos Reyes. Isang mahusay na race organizer sa ilalim ng kumpanya niyang Eventologist Compnay na nakabase sa Metro Manila. Maginoo, mahinahon, mabait, marunong makisama. Kaya hindi ko mapahindian ang paghingi niya ng tulong sa isa naming pag-uusap sa FaceBook messenger kamakailan. […]